Habang pinagmamasdan ko si Geoffrey sa kaniyang ekspresyon, hindi ko maipaliwang kung bakit doble and kaba na aking nararamdaman, maging ang pintig ng aking puso ay bahagyang bumilis dahil sa kakaibang ikinikilos ngayon ni Geoffrey sa aking harapan. Marahan akong pumasok at isinara ko ang pintuan ng bahay. Nang maisarado ko na iyon, doon ko muling narinig na nagsalita sa akin si Geoffrey. “Gian, alam mo naman siguro na si Nanay Glenda na lamang ang magulang ko, hindi ba?” tanong nito sa akin, napakunot ako ng aking kilay dahil sa naging pagtatanong nito, “bakit mo naman sinagot-sagot ang nanay? Bakit mo ipinahiya siya sa trabaho mo?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Geoffrey. Nagulat ako sa mga tanong na kaniyang ibinato at sinambit sa akin. Napa-iling na lamang ako at marahan na

