Ilang buwan na rin nung huli akong nakapasok ng simbahan. Sobrang daming pagbababgo. Marami na ring nadagdag na mga santo sa palibot ng simbahan. Mas marami na rin ang mga ilaw na nakapalibot sa bawat sulok ng simabahan dahil sa nalalapit na kapaskuhan. May mga parol at mga belen na nakadispley sa loob malapit sa pinaka altar ng simbahan.
Ang ganda at ang sayang pagmasdan ng mga ito. Idagdag mo pa ang mga taong narito ngayon sa loob ng simbahan. Mga taong taimtim na nagdarasal sa Poong Maykapal. Habang inililibot ko ang aking paningin, humanap ako ng isang puwesto na kung saan magiging komportable akong umupo.
Pinili ko ang nasa bandang hulihan ng simbahan. Umupo ako at lumuhod. Bago ako pumikit, nag altanda muna ako ng krus. Sinimulan ko nang ipikit ang aking mga mata, pinagkrus ang aking mga kamay. At mataimtim kong ipinikit ang aking mga mata at nagsimula na ako sa aking pakay.
“Panginoon, nais ko pong humingi saiyo ng pasasalamat. Pasasalamat dahil iniligtas Niyo po ako sa kapahamakan. Inilayo Niyo po ako sa kamatayan. Salamat rin ho Panginoon, sa pangalawang buhay na ipinagkaloob Niyo ho saakin. At habang wala akong malay, hindi Niyo po pinabayaan ang aking pamilya.
Panginoon, nagpapasalamat po ako Sainyo dahil sa kabutihan na ipinapamalas Ninyo saaming pamilya. Lagi Niyo po kaming inilalayo sa masasama at mga kapahamakan. Ito po Panginoon ang pinakamaganda ng regalong natanggap ko mula Sa ‘yo. Ang pangalawang buhay galing Sa ‘yo. Amen.”
Walang pagsidlan ang saya at tuwa sa aking puso sa pasasalamat na aking ginawa sa Diyos. Ito na ang pinakamasayang regalong natanggap ko ngayong magpapasko. Bago ako tumayo mula sa aking pagkakaluhod, muli akong nag altanda ng krus, senyales nang aking pagtatapos ng pagdarasal.
Paupo na sana ako nang may isang lalaking tumabi saakin. Hindi ko naman ito binigyan pansin dahil ang pokus ko ay sa dasal lamang. Nangunot ang aking noo ng marinig ko ang lalaking humihikbi. Doon pa lamang ako lumingon upang makita ang itsura ng lalaki.
Nang makita ang kaniyang mukha, bakas sa kaniyang mga mata ang sakit, lungkot at pangungulila. Bakas rin aa kaniyang mga mata ang matinding pag-iyak dahil sa namumugtong mga mata nito.
Habang nnakaluhod ito, patuloy ko lamang siyang pinagmamasdan. At habang ginagawa ko ang bagay na iyon, bigla na lamang akong nakaramdamn ng matinding sakit, na para bang kinukurot ang aking puso. Hindi ko maunawaan kung bakit ko ito nararamdaman. At kung bakit ako napapaluha habang pinagmamasdan ang lalaking ito.
Para bang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Parang napipilan ako at naistatwa na hindi ko maigalawa ang ibang parte ng aking katawan. Tanging pagkakatitig lamang ang aking nagawa ng mga sandaling iyon.
“Patawarin Niyo ho ako. Patawarin Mo ako sa mga kasalanang nagawa ko. Sa mga sakit na ibinigay ko sa kaniya. Patawarin Mo ko kung nagkamali ako sa paggawa ng desisyon. Patawarin Mo ko kung hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Zavier. Alam kong naging mahina ako, naging marupok. Tao lang rin naman ako. Hindi ko naman alam na hahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon.
Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay ‘yung isang taong tunay na nagmamahal saakin. Kasalanan ko kung bakit nawala ang taong minsa’y minahal ko. Panginoon, handa akong pagbayaran lahat ng mga maling nagawa ko. Handa ako kung parurusahan Niyo ako.”
Habang nakatitig ako sa lalaki, hindi ko maiwasan ang maawa sa kaniya. Hindi niya mabigkas ng maayos ‘yung mga salita na kaniyang sasabihin dahil sa tindi ng paghikbi nito. Alam ko at ramdam ko ang bigat na nasa loob niya. Bakas sa kaniyang awra ang hirap at sakit, pangungulila sa taong pinakamamahal niya.
Para bang may kung anong bagay saakin na parang magneto na kusa na lamang ako lumapit sa lalaki. Hindi ko rin alam kung paano at bakit ko ito ginagawa ngayon. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit bigla ko na lamang inakap ang lalaki sa gitna ng kaniyang pagluha.
At tulad niya, nararamdaman ko rin ang sakit na kaniyang nararamdaman. Ang pangungulila na kaniyang pinagdaraanan. Bakit kailangan ko itong maramdaman gayung hindi ko naman kilala ang lalaking ito.
“Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala ka lamang.” Saad ko habang pinapakalma ko ang lalaki.
Napahinto ito sa kaniyang pag-iyak nang marinig niya akong nagsalita. Kumawala rin siya sa pagkakayakap ko sa kaniya. Nangunot ang kaniyang noo nang makita niya akong nakayakap sa kaniya.
“A-anong s-sinabi m-mo…?” Utal nitong pagtatanong saakin. Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kaniya at umupo sa tabi nito. Nang makita niya akong umupo, gumaya rin ang binata saakin. Ngayon, parehas kaming nakaupo, magkatabi at tuwid na nakatingin sa altar.
“Ang sabi ko, ayos lang ‘yan. Magiging maayos rin ang lahat.” Saad ko nang nakangiti rito.
“Z-zavier…” Mahina ngunit dinig ko ang pangalang kaniyang binanggit.
“Zavier? Sino ‘yon?” Taka kong pagtatanong rito na ikinakamot ko ng aking ulo.
“Siya lang ang taong laging nagsasabi saakin niyan noon.” Bakas sa kaniyang pananalita ang gulat at pagkamangha. Hindi na ito bago saakin. Lahat naman ng tao ay may pare-parehas na pananalita.
“Mr, hindi lang naman siya ang may alam nang ganung salita. Miski ikaw, alam mo rin ang salitang iyon.” Tugon ko rito. Napatungo naman siya saaking tinuran. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tanungin kung bakit ang bigat ng kaniyang mga binibitawang salita kanina.
“Maaari ba akong magtanong. May matindi ka bang pinagdaraanan?” Maayos at mahinahon kong pagtatanong sa binata. Nang marinig niya ang aking tanong, agad siyang napatingin saakin. At base sa kaniyang tingin, mababakas sa kaniyang mga mata ang pagdadalamhati.
“Mahirap at masakit man sabihin, pero mayroon nga.” Maikli nitong sagot.
“Puwede mo bang ikuwento saakin. Baka kasi makatulong ako sa ‘yo. Sabi kasi nila, mas maganda raw na magsabi ng problema sa estranghero kaysa sa taong kakilala mo nang matagal. Pero kung ayaw mo, hin-“ Hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi ng agad siyang nagsalita.
“Namatay ang taong minsa’y minahal ko. Siya lang ‘yung lalaking nagmahal at naglakas loob na mahalin ang isang tulad ko. Siya lang ‘yung taong nakakaintindi saakin. Siya lang ‘yung tanging lalaking nagmahal sa isang tulad ko.” Humunto ito sa kaniyang pagsasalita. Huminga ng malalim at humugot ito ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi. Ngunit bago siya magsalita, pinunasan niya muna ang luhang nagbabadyang tumulong muli.
“Namatay siya sa isang hit and run. Hindi siya pinanagutan nung taong nakasagasa sa kaniya. Ayun ‘yung oras na pinalaya niya ako. ‘Yung araw na binigyan niya ako ng isang desisyon na alam kong makakatulong saakin. Ayun rin ‘yung araw na pinapaubaya niya na ako sa isang babae.” Pagpapatuloy nito.
Hindi naman ako kumikibo nais kong tapusin niya ang kaniyang kuwento bago ako magbigay abiso o opinyon ukol sa naging senaryo ng kaniyang kuwento.
“Nung una, gusto ko sa nang isekreto ‘yung namumuong relasyon namin ni Christine habang may relasyon kami ni Zavier. Pumayag ako sa alok ni Christine na kaya niya raw ibigay ang lahat saakin na hindi kayang ibigay ni Zavier na isang lalaki rin tulad ko. Nabulag ako, naging marupok ako nung mga panahong iyon. Alam kong masasaktan ko si Zavier, pero nagpatuloy ako sa ganung ayos.
Hindi ko naman masisis ang sarili ko, dahil sarili kong desisyon ang bagay na ‘yon. Hanggang isang araw, nalaman ni Zavier ang tungkol saamin ni Christine. Hindi ko alam kung paano niya nalamang ang tungkol sa bagay na iyon. Simula nung nalaman niya ang tungkol sa aming dalawa, unti-unti siyang lumayo sa akin. Alam ko naman kung bakit niya ako nilalayuan, at aminado ako na kasalanan ko ang bagay ma iyon.
Masakit rin nung mga panahong gusto ko siyang kausapin ngunit ayaw niya. Gusto kong humingi ng tawad pero patuloy niya akong iniiwasan. Nung mga panahong iyon, naisip ko na. Sana hindi na lamang ako pumayag. Na sana, hindi namatay ang taong minsa’y natutunan kong mahalin. Ngayon, wala na siya. Suma kabilang buhay na. Nawala na rin si Christine. Gusto niya raw magbagong buhay at magpakalayo-layo dahil nakokonsensya siya sa kaniyang nagawa kay Zavier.
Ang sakit lang at ang tanga ko dahil pinagpalit ko ‘yung dapat na pangmatagalan sa panandaliang ligaya lamang.” Mahaba nitong pagsasalaysay saakin. Ito pala ang nangyari sa kaniya. At ayun rin pala ang rason kung bakit siya umiiyak at humihingi ng kapatawaran sa Diyos. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nais ko. Masyadong kumplikdo ang naging sitwasyon niya. Na miski ako siguro ay hindi ko rin alam kung ano ang aking gagawin.
“Minsan, hindi natin malalaman ang mali hangga’t hindi natin nagagawa ang isang bagay. Hindi mo masasabi na tama o mali dahil depende sa kapasidad ng isang tao kung paano niya ito uunawain at bibigyan solusyon. Alam ko at ramdam ko, na may natutunan ka sa pangyayaring iniwan sa ‘yo ng taong minahal mo. Sana maging aral iyon sa ‘yo at huwag mong ulitin at gawin sa susunod.”
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sinabi ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang akin naging pahayag matapos niyang ikuwento sa akin ang tunay na pangyayari. Tila ba naguguluhan ako sa nangyayari sa akin ngayon. Para bang ang komportable ko sa taong ito. Medyo naguguluhan ako na ewan.
Nang napatingin ako sa aking likod, napansin ko na medyo palubog na ang araw. Unti-unting nawawala ang liwanag at napapalitan ang kalangitan ng dilim.
“Siya nga pala. Mauna na ako sa ‘yo ha? Dumidilim na kasi. Baka hinahanap na ako sa amin.” Matapos kong sabihin iyon, agad na akong tumayo at naglakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin ay agad ko nang nilisan ang puwesto namin.