CHAPTER 12.3: GEOFFREY*

2795 Words
Habang pinagmamasdan ko ang taong ito, para bang hindi nalalayo sa kkaniya si Zavier. ‘Yung kilos, galaw at ang pananalita niya ay parehong-pareho lay Zavier. Nagpaalam na ito na aalis na siya ngunit hindi ko pa nalalaman ang kaniyang pangalan. “Teka!” Sigaw ko. Napahinto naman siya sa kaniyang paglalakad at agad akong sinulyapan. Ang pagsulyap na ‘yon, sobrang pamilyar sa akin. Bakit parang nakikita ko sa kaniya si Zavier. Bakit ang bilis ng t***k ng aking puso. Tila ba may nais itong ipahiwatig. “Bakit ho?!” Sigaw nito pabalik sa akin. “Aalis ka nang hindi ko man lang nalalaman ang pangalan mo.” Pagsasalita ko habang naglalakad papalapit sa kaniya. Napakamot naman ito ng kaniyang ulo at napatawa sa naging tugon ko. “Ako nga pala si Xavier.” Maikli nitong sagot. At iniabot nito ang kaniyang kamay sa akin. Napatulala ako sa kaniyang ginawa, halos parehas rin sila ng pangalan ng taong mahal ko. “Elizandro.” Maikli kong sagot. Nagbigay lamang ako ng isang ngiti sa kaniya. Hindi ko ipinahalata sa kaniya na kinakabahan ako sa mga sandaling ito. Naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung sino nga ba ang taong nasa harap ko ngayon. “Tara, sabay na tayong umuwi. Ihatid na kita sainyo.” Saad ko. Nagpatuloy kaming dalawa sa aming paglalakad. Hindi na ako nahiya, ngayon ko lamang siya nakilala ngunit agad kong hinawakan ang kaniyang kamay na ikinagulat niya naman. Hindi ko na pinansin ang bagay na iyon. Ramdam ko ang pagtataka sa kaniyang mukha ngunit nagpatay malisya na lamang ako. At kahit pinagtitinginan kami ng ilang taong nasasalubong namin sa daan, ay hindi ko iyon pinansin. Wala akong pakialam sa kung ano ang nais nilang sabihim saamin. At ang taong ito, hindi ko alam kung ano ang ginawa niya saakin. Sa sandaling oras, nahuli niya agad ang aking loob. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Nais kong makilala kung sino ang taong ito. Habang nakatingin ako sa mga butuin, pinagmamasdan ang mga tila maliliit na ilaw mula sa kalangitan. Hindi ko mawari kung paano kabilis nahulog ang loob ko kay Xavier. Para bang magneto na bigla na lamang niyang hinigop ang aking damdamin. Ngunit, isang bagay ang aking napansin, tila para bang sobrang gaan ng aking pakiramdam sa taong iyon. Para bang sobrang tagal na naming magkakilala. At ‘yung mga sinabi niya sa akin kanina, tila lahat ng iyon ay tumatak sa aking puso. Na hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking isipan. “Minsan, hindi natin malalaman ang mali hangga’t hindi natin nagagawa ang isang bagay. Hindi mo masasabi na tama o mali dahil depende sa kapasidad ng isang tao kung paano niya ito uunawain at bibigyan solusyon. Alam ko at ramdam ko, na may natutunan ka sa pangyayaring iniwan sa ‘yo ng taong minahal mo. Sana maging aral iyon sa ‘yo at huwag mong ulitin at gawin sa susunod.” Ang mga salitang iyon, sobrang gaan sa pakiramdam. Tila bigla na lamang nawala ang bigat na aking nararamdaman, nawala ang lungkot na lumulukob sa aking pagkatao. Nawala ang kirot nang sanhi ng kahapon. Simula nang makausap at nakasama ko si Xavier sa loob ng maiksing oras, tila nahulog nang tuluyan ang aking loob sa kaniya. At sa pagkakataong ito, hinding-hindi ako matatakot na sumugal ulit. Hinding-hindi ako magpapaapekto sa ibang tao sa kung ano ang sasabihin nila sa akin. Ayoko nang maulit pa ang nangyari saamin ni Zavier. Tama si Xavier, may aral akong natutunan mula sa nakaraan. At mula roon, mamahalin ko ang taong ito nang higit pa saaking sarili, ituturing ko itong prinsesa na walang sinuman ang maaaring manakit sa kaniya. Matapos kong alalahanin ang mga nangyari kanina, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding antok. Unti-unti na ring bumigat ang mga talukap ng aking mga mata. Kaya naman, napagdesisyunan kong pumasok na sa aking silid at roon, ay magpahinga na. …… Masakit na makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Dahil sa rami ng kakulangan saakin, ang lahat ng iyon ay hinanap niya sa iba. Sa babae, alam ko naman na balang araw, dito rim siya sasaya at makakabuo ng isang masaya at kumpletong pamilya, at hindi sa tullad kong lalaki rin. Mahal na mahal ko si Elizandro, ngunit ano pa ba ang aking magagawa kung masaya at komportable na siya kay Christine? Ano pa ba ang puwede kong gawin para lang maibalik sa piling ko ang taong pinakamamahal ko? Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan nang sobra. “Elizandro.” Tanging pagsambit ng kaniyang pangalan ang tangi kong nasabi. At habang pinagmmamasdan ko silang dalawa na magkahawak kamay, unti-unting naglandas ang aking mga luha. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng aking dibdib dahil sa nasasaksihan ko ngayon sa aking harapan. “I-ikaw p-pala…” Gulat nitong tugon sa akin. “K-kailan p-pa I-ito?” Sunod kong tanong rito. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala at takot. Bukod roon, ramdam ko rin ang kaniyang pagdadalawang isip na sagutin ang aking tanong. “Magpapaliwanag ako.” Maigsing tugon nito. Matapos niyang sabihin iyon, inalis niya ang pagkakalingkis ng kanilang kamay ng babae. “Bakit, Elizandro?” Tanong ko rito na lumuluha. “Minahal kita. Totoo ‘yon. Kaso, naisip ko na, puwede ba akong magkaroon ng isang masaya at totoong pamilya kasama ka? Natatakot ako. Natatakot akong mahusgahan ng iba. Natatakot ako sa sasabihin nila tungkol sa atin. Pasensya na, kung iniwan kita ng walang sabi.” “Alam ko naman na dun ito tutungo. Hindi naman ako magagalit na maghanap ka ng babaeng bubuo sa pagkatao mo. Hindi ako magagalit kung mahanap mo ‘yung taong tunay na magbibigay saya sa ‘yo. Ang akin man lang, sana sinabihan mo ko. Siguro dun mas mauunawaan ko pa kung bakit. Ang sakit rito, Elizandro.” Matapos kong sabihin ang mga iyon, sunod kong itinuro ang aking puso. Puso na puno ng sugat at namamaga sa kirot dulot ng sakit na hatid ni Elizandro. Hindi ko matanggap na ganun kadali na lamang niya ako iiwan. Matapos ang tagpong iyon, isang liwanag ang bigla na lamang lumukob sa aking harapan. Na siyang naging dahilan upang mapatakip ako ng aking mata. Sa sobrang liwanag, puno ng sigawan at iyakan ng mga tao ang aking naririnig sa buong paligid. Nang nawala ang liwanag, isang binatang lalaki ang nakita kong nakahandusay. Nilapitan ko iyon, laking gulat ko nang makita ang aking sarili na nakahandusay, walang malay, naliligo sa sariling dugo. Nagising na lamang ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa naiwan kong nakabukas na bintana. Napatindig naman ako sa aking pagkakahiga nang muli kong naalala ang naging panaginip ko. Bakit ganun ang panaginip ko? Bakit pakiramdam ko ako ang taong sinasabi doon? Bakit naroon si Elizandro? Ano bang kinalaman niya sa panaginip ko? At bakit lumuluha ang taong iyon? Napapakuwestyun ako sa naging pangyayari. Para bang may malalim na rason kung bakit sobrang nasasaktan at lumuluha ang taong iyon. Ngunit, sa panaginip kong iyon, parang walang pakialam si Elizandro sa taong iyon. Habang nasa ganung posisyon ako ng aking pag-iisp, bigla ko na lamang naramdaman ang bahagyan pagkirot ng aking ulo. Bigla ko ring naramdaman na bahagyang naninik ang daluyan ng aking paghinga. Para bang sinasakal ako na hindi ko mawari. Gusto kong magsalita at tawagin ang aking mga magulang upang humingi sa kanila ng tulong. Ngunit, huli na ang lahat para dun. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na unti-unting bumabagsak sa higaan kung saan ako nakalagak. Lumipas ang ilang oras na wala akong malay. Naramdaman ko na lamang na may taong tumatapik sa aking mukha, nang magdilat ako ng aking mata, bumungad sa akin ang aking ina. “Anak, kanina pa ako nag-aalalla sa ‘yo. Ano ba ang nangyari at nakita ka namin ng papa mo nang walang malay?” Nag-aalalang tanong sa akin ni mama. Napabangon naman ako hinipo ko ang aking ulo. Hanggang sa mga sandaling ito, narito pa rin ang pagkirot at pagtibok ng aking sintido. Matapos kong alalahanin ang naging panaginip ko, biglat na lamang akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo na nagdulot sa akin ng pagkawala ng malay. Hindi ko alam kung bakit iyon nangyari saakin. “Hindi ko rin po alam, mama, e.” Maikli kong tugon rito. “Gusto mo ba dalin ka na namin ni papa mo sa doktor? Nag-aalala kami sa ‘yo anak.” “Hindi na po, ma. Ayos lang ako. Siguro dala rin ng pagod kahapon.” Tugon ko. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa mga magulang ko ang nangyari. Na kahit miski ako, ay naguguluhan sa pagkataong mayroon ako ngayon. Para bang sa isang katawang lupa ko ay, may dalawang katauhan ang namamahay. Nang naging maayos ang aking lagay, agad na nagpaalam ang aking mga magulang na may pupuntahan raw sila. Tanging pagtango na lamang ang aking naging sagot sa mga ito at isang halik naman sa aking ulo ang natanggap ko mula sa aking ina. Lumipas pa ang mga araw at buwan, naging maayos na ang aking kalagayan. At kasabay sa paglipas ng mga iyon, unti-unti nang nararamdaman ang himig at ispiritu ng Pasko. Ramdam na rin ang malamig na simoy ng hangin sa buong kapaligiran. Ilang araw na lamang at ang araw ng kapanganakan ng anak na si Jesus ay nalalabi nang maganap. Itong taong ito, sobrang raming naganap sa aking buhay. Naroon ‘yung munti na akong mamatay dahil sa isang hit and run, nakipaglaban ako sa kamatayan. Nakakilala ako ng isang taong unti-unti ko nang natutunang mahalin. Ngunit, hanggang ngayon, sa tuwing gabing ako’y natutulog, laging sumasagi sa aking panaginip ang isang imahe ng binatang lalaki. Isang lalaki na laging nakikiusap sa akin na pangalagaan ko si Elizandro. Mahalin ko raw siya dahil hindi niya na raw matutupad pa ang kaniyang pangako kay Elizandro. At natatandaan ko pa ang mga salitang binitawan niya sa akin bago siya magpaalam ng tuluyan. Nasa isang mataas na burol kung saan ako nakatanaw sa mgaa magagandang lugar. Isang mataas na bundok ito kung saan tanaw mo ang buong lugar. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong klaseng lugar. Kung pagmamasdan mo ang kabuuan ng lugar, ito ay mapayapa. Puno ng mga iba’t ibang uri ng ibon. Puno ng mga magagandang puno at halaman. Sabayan pa ito ng napakapreskong hangin na nagmumula sa bulkan kung saan ako malapit na nakkatayo. At habang abala ako sa ginagawa kong pagkamangha sa lugar, may isang boses ng lalaki akong narinig na nagmula sa aking likurang bahagi. Napukaw nito ang aking atensyon na natuon sa kaniya. Kaya wala akong alinlangan na nilingon ito at tumambad saakin ang isang napamistisong binata, nakaputi ito. At may makapal na kilay. Magagandang ngipin at mapupungay na mga mata. Habang pinagmamasdan ko siya, isang ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin. Lumapit siya saakin at tumabi sa’king tabi. “Alam ko na nagtataka ka sa mga pagbabagong nangyayari sa ‘yo ngayon.” Huminto ito sa kaniyang sinasabi at diretso akong tinignan nito sa aking mga mata na ikinagulo ko naman. “Sa mga sandaling ito, nagtataka ka at nagtatanong sa mga panaginp mo, kung sino nga ba talaga ako? Kung ano ang nais ko sa ‘yo? Tama ba?” Sunod na tanong nito sa akin. Wala sa aking loob na napatango ako sa kaniya. Tanging pananahimik lamang ang aking nagawa. Kaya nung wala siyang nakuhang sagot sa’kin, nagpatuloy ang binata sa kaniyang sasabihin. “Ako si Zavier. Zavier Francisco. Alam kong malalaman mo kung ano ang nasa likod nito kung bakit ikaw ang aking pinakikiusapan. Huwag mong sasaktan si Elizandro, mahalin mo siya gaya ng pagmamahal na binibigay niya sa ‘yo. Alam-“ Hindi niya na natapos pa ang kaniyang sinasabi ng agad akong nagsalita at pinutol ang kaniyang sasabihin. Hindi ko na rin maunawaan ang nais niyang ipabatid sa’kin. “Hindi kita maunawaan, Zavier. Ano ba talaga ang gusto mong ipaunawa sa’kin?” Tanong ko sa kaniya. “Sa paggising mo, lahat ng katanungan mo ay unti-unting masasagot. Lahat ng pagdududa at gulo sa iyong isipan ay unti-unting lilinaw. Kaya sana, at nakikiusap ako sa ‘yo. Na, mahalin mo si Elizandro ng totoo at tapat. Mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Hindi ko na kasi magagawa pa ang mga iyon. Hindi ko na rin maipaparamdam pa sa kaniya kung gaano ko siya kagusto at kamahal. Kaya sana, Xavier, mahalin mo ang taong pinakamamahal ko. Nakikiusap ako.” “Xavier, may bumabagabag ba sa ‘yo? Puwede mong sabihin saakin at baka makatulong ako.” Nag-aalalang sambit ni Elizandro saakin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Elizandro. Narito kasi ako sa isang parke malapit sa paaralan kung saan pumapasok si Elizandro. Hindi ko alam pero nung nagsalita siya, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding kaba. Nanayo lahat ng aking balahibo na akala ko’y nakakita ako ng multo. Hindi ko ipinahalata sa kaniya ang aking naging reaksyon nung tinawag niya ako. Bagkus, kumilos at nilingon ko ito ng normal. Sa mga sandaling ito, marami akong katanungan na nais malaman at mabigyan linaw lahat ng mga tanong na hanggang ngayon ay patuloy na bumabagabag saakin. “Elizandro, may itatanong sana ako sa ‘yo.” Mahina kong sambit dito. Umupo naman ito at tinabihan ako. Inilapag niya ang kaniyang gamit sa tabi at tinignan ako ng deretso sa aking mata. Sa ginawa niyang pagkakatitig sa akin, hindi ako naging komportable sa bagay na iyon. Agad akong nag-iwas ng aking tingin at itinuon ito sa iba. “Ano ‘yung itatanong mo Xavier?” Saad nito. Bago ako magsalita, isang malalim na buntong hininga ang aking hinugot. Isang buntong hininga upang maitanong ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin ng buong tapang at lakas ng loob. “S-sino s-si Z-zavier…?” Utal kong pagtatanong rito. Habang binibigkas ko ng mabagal ang pangalan na sinabi ng binata sa aking paniginip, ay nakayuko ang aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya rito. Lumipas ang ilang segundo nang aking pagtatanong, ng wala akong sagot, salita na narinig mula sa kaniya. Kaya naman nagtaas ako ng aking paningin at tinignan ito. Nang makita ang binata sa aking tabi, nakayuko ito, humihikbi. “Elizandro, ayos ka lang ba? K-kung hindi mo kayang sagutin ‘yung tinatanong ko. Ayos lamang, hindi naman kita pinipilit na sagutin mo iyon.” Nag-aalala kong saad rito. Sa mga sandaling ito, nakokonsensya ako na bakit ko ba naisipan na tanungin siya sa ganung klaseng bagay. Naawa tuloy ako sa kaniya dahil alam kong malalim ang rason at madilim ang kaniyang pinagdaan dun. Habang pinagmamasdan ko siya at pinapakalma at hinihimas ko ang kaniyang likod. Hindi ko maiwasan na malungkot. Dahil sa mga luhang naglalandas sa kaniyang mga pisngi, ramdam at bakas ang sakit at kirot sa mga iyon. Patunay lamang ang mga luhang iyon kung gaano siya nasaktan sa pangyayari sa kaniyang nakaraan. “Naalala mo pa ‘yung mga kinuwento ko sa ‘yo noon nung aksidente tayong nagkatabi sa simbahan? Iyon ang dahilan kung bakit nawala siya sa akin.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at pinunasan ang luhang walang tigil sa pag-agos sa kaniyang mga pisngi. Tanging pag tango na lamang ang aking naisagot kay Elizandro nung mga sandaling iyon. Para bang napako ako sa aking kinauupuhan. Nanlamig ang buo kong katawan at para bang napipilan ang aking dila na magsalita. “Si Zavier? Siya lang naman ‘yung taong minahal ko. Siya lang naman ‘yung unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Nagpabago saaking pananaw sa buhay pag-ibig. Siya lang ‘yung unang lalaki na nagpatunay na ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian. Si Zavier, nang dahil sa akin, nawala siya. Ako ‘yung rason kung bakit namatay siya. Kung bakit nasagasaan siya.” Habang pinapakilala niya saakin si Zavier, ramdam ko ang pangungulila niya, ang sakit at kirot, lungkot na bumabalot sa kaniya. “Si Zavier, minahal ako ng tunay ngunit hindi ko naalayan ng totoong pagmamahal. Hindi ko nasuklian ‘yung pagmamahal na pinaramdam niya sa akin. Ang tanga ko ‘di ba? Sinayang ko ‘yung taong tunay na nagmamahal saakin at pinagpalit ko sa pangmadalian lamang.” Dagdag niya pa. “Elizandro, hindi kita pinipilit na sagutin kung ano ‘yung tinatanong ko sa ‘yo. At kung hindi ka pa handa na sabihin saakin ang lahat, hindi kita pipilitin sa bagay na iyon.” “Hindi, Xavier. Nais kong malaman mo ang lahat. Nais kong ilabas lahat ng sakit dito sa puso ko. Kasi-kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapatulog ng konsensya ko sa bawat gabing nagdaraan. Napayuko na lamang ako sa mga pangyayari iyon. Mukhang desidido talaga si Elizandro na sabihin saakin ang lahat-lahat mula sa kaniyang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD