CHAPTER 13: GIAN

551 Words
“Grabe! Wala pa tayong isang oras na bukas, pero ganito na agad ang mga customer na nagpupunta? Paano na kapag hanggang mamaya ay ganito pa rin karami?” mahinang pagrereklamo ni Maria habang pinagmamasdan naming dalawa ang sunod-sunod na pagpasok ng aming customers sa Gotohan ni Gabriel. Napataas na lamang ako ng aking kilay at napabuntong-hininga dahil sa naging reklamo nito sa akin. “Gusto mo ba na sabihin ko ito kay Boss Gab? Para naman hindi ka na mahirapan rito. Saka, ayaw mo nu’n? Mapapahinga ka na rin?” natatawa kong pagbibiro kay Maria. Nang marinig niya ang pagsasalita ko sa kaniya, agad itong napabaling ng tingin sa akin at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naramdaman ko ang marahan na paghawak sa aking braso ni Maria, naging dahilan iyon upang matawa ko sa kaniyang ginagawa sa mga sandaling ito, “Ikaw naman, Gian, ‘di ka naman mabiro. Siyempre, nagjo-joke lang ako!” saad nito, “pala patol ka talaga, e! Saka tignan mo, ang dami talaga, e. Para ba silang mga kuto sa dami!” mahina nitong pagpapatuloy sa akin. Marahan ko namang inalis ang kaniyang kamay sa akin at agad akong tumalikod sa kaniya, at bago ako bumalik sa trabaho, mahina akong magsalita sa kaniya, “Maria, halika na. Bumalik na tayo sa ginagawa natin. At baka parehas pa tayong masermunan ni Boss Gab dahil sa pagiging Marites nating dalawa.” Matapos kong sabihin iyon sa kanoya, ay agad akong pumasok sa kusina ng Gotohan at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Maya-maya ay naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Maria. Namg parehas na kaming nakapasok sa kusina, naabutan namin si Eson na inihahanda ang ilang pagkain na aming ilalabas na dalawa ni Maria. Maya-maya pa ay agad nang nagwika sa amin si Eson at itinuro ang mesang aming dadalhan ng tray. “Gian, pakisuyo naman ito doon sa tatlong babae na malapit sa pintuan. Salamat!” Nang marinig ko iyon, ay maingat kong kinuha ang tray at dahan-dahan akong nagtungo sa sinabi sa akin ni Eson. Nang nasa harapan na ako ng mesa, narinig ko ang mga boses ng tatlong babae na nagkakaingay habang naglukuwentuhan ang mga ito. Natigil lamang sila nang marinig nila akong magsalita upang ilapag ko ang kanilang in-order. “Ito na po ang inyong pagkain. Tatlong tapsilog, tatlong coke, tatlong tubig. Mayroon pa po ba kayong idadagdag?” pahabol ko sa kanila. Ngunit, nanlaki ang aking mga mata ng isang tao ang hindi ko inaasahan na pupunta sa lugar na ito. Nang makita ko ito, agd akong napayuko sa kanilang harapan at agad na nakaramdam ng takot ang aking katawan. “I-ikaw… p-po… p-pala… ‘yan… ‘Nay Glenda.” Utal kong pagsasalita sa kaniya. Dahil sa nangyari, biglang natahimik ang dalawang babaeng kasama ng ina ni Geoffrey at tahimik lamang silang pinagmamasdan kaming dalawa ni ‘Nay Glenda. “Aling Glenda,” may riin niyang pagbigkas sa dapat kong itawag sa kaniya, “wala akong naaalala na naging anak kita. Wala rin akong natatandaan na tinanggap kita bilang kaparehas ng anak ko. Gian, ayaw ko sa tulad mo—sa tulad mong bakla!” bahagya akong napa-atras nang sumigaw ito nang malakas upang iparinig niya sa ibang mga tao ang nais niyang sabihin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD