Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin ‘yung nangyari saamin ni Keith. Hindi ko lubos maisip kung paano at bakit kami humantong sa ganitong klase ng pangyayari saaming buhay. Alam kong mahal na mahal naming ang isa’t isa. Bakit nangyari ang kinatatakutan ko. Knowing Keith, mapagmahal siya. Hindi niya ako natitiis kahit na may tampo ako sa kaniya. Maalaga siyang tao, mapagpasensiya. Hindi niya hahayaan na masaktan ako at makitang lumuluha ng dahil sa kaniya. Alam ko naman na masaya kami, na lagi kaming may oras para sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit at paano nawarak ang relasyon naming dalawa. Habang inaalala ko ang mga pangyayaring nagpadilim sa maliwanag kong mundo, nag-umpisa na ring lumuha ang aking mga mata dala ng sakit at kirot ng kahapon. Narito kami ngayon ni Keith sa isang

