CHAPTER 12: GEOFFREY

331 Words
Habang nag-aayos ako ng aking sarili papasok sa talyer, hindi ko na naabutan si Gian sa higaan nang magising ako kanina. Nang magtungo naman ako sa kusina, nadatnan ko roon ang almusal na kaniyang hinanda para sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa paborito kong puwesto at tahimik na kumain mag-isa. Nang matapos ako roon ay agad akong umalis ng bahay at isinarado iyon. Nang nasa talyer na ako, napansin ako nina Michael, Jeff, Ricky, at Evan na paparating. Kaya naman agad silang tumayo habang hinihintay nila akong makarating sa kanilang harapan. Makalipas ang ilang segundo nang magkaharap-harap kaming lima, agad silang bumati sa akin. Bumati rin ako sa kanila at agad silang nagbalikan sa kani-kanilang mga trabaho. Habang ako naman ay nagtungo sa aking kuwarto roon sa talyer upang tignan ang inventory kahapon. Nang makapasok na ako sa aking opisina, agad kong dinampot ang papel na nakalagay sa aking mesa. Nakita ko ang detalyadong inventory na gawa ng aking assistant na si Evan. Natuwa naman ako nang makita ko na nasusundan niya ang mga ibinilin at inuutos ko sa kaniya. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan ng aking opisina at tumambad sa akin si Evan. Lumingon naman ako sa kaniya nang dahan-dahang naisara ni Evan ang pintuan ng aking opisina at tahimik itong umupo sa sofa na nasa loob ng silid na ito. “Mahusay ka talaga, Evan. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo bilang assistant ko rito sa talyer.” Nakita ko naman itong napangiti matapos kong purihin ang kaiyang ginawa, marahan naman siyang napakamot sa kaniyang ulo at saka nagsalita sa akin, “Wala po ‘yon, Boss Geo. Ginagawa ko lamang po ang inutos ninyo sa akin at ang trabaho ko rito,” saad nito, “siya nga po pala, boss. Dumaan rito si Boss Gian kahapon. Hinahanap ka niya sa amin, maging kami rin ho ay hindi namin alam kung saan ka po nagpunta.” Pagpapatuloy ni Evan sa kaniyang pagsasaita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD