CHAPTER 11.1: GIAN

2108 Words
Nang tuluyan na akong nakalayo sa bahay naming dalawa ni Geoffrey, agad akong napahinto sa aking paglalakad. Bahagya akong napaluhod sa daanan dahilan upang mapagtinginan ng iilang taong dumaraan rito. Hindi ko na inisip pa kung ano ang sasabihin ng mga taong nakakakita sa akin, sa mga sandaling ito, gusto ko lamang mailabas kung ano ang nararamdaman ko sa aking loob. Ilang pagtango ang aking ginawa bago ako muling maglakad. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking trabaho, kasabay nu’n ang pagtambay ng mga ala-ala sa aking isipan. Dahil doon, bahagyang tumulo ang aking luha, na siyang naging dahilan upang mabilis kong punasan iyon mula sa aking magkabilang mata. Pilit kong pinipigilan ang paglabs at pag-agos ng aking luha dahil sa nangyari. Ngunit, marahil ay dala na rin ng sama ng aking loob kay Geoffrey – ay hindi ko na rin napigilan pa ang pagluha ng aking mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas, minabuti ko na lamang na ipagpatuloy ang aking paglalakad at pansamantalang iwaksi sa aking isipan si Geoffrey at ang kaniyang ginawa sa akin. Nang makarating ako sa lugar kung saan ako nagtatrabaho. Agad na tumambad sa akin si Gabriel na nakatayo sa labas ng Gotohan. Nang mapansin ako nitong paparating, agad kong nakita ang pagsenyas nito sa akin. Kaya naman, nakayuko akong lumapit sa kaniya. Nang nasa harapan na ako ni Gabriel, naramdaman ko ang pagtapik nito sa aking balikat na siya namang ikinagulat ko ng husto. “Akala mo ba, hindi ko nakita ang nangyari sa iyo kanina habang papasok ka rito?” sa mga lumabas sa kaniyang bibig, napalaki ako ng aking mata, marahil ay nagulat sa sinabi niyang iyon, “alam mo, Gian, hindi naman ako basta boss ninyo rito. Puwede rin ninyo akong labasan ng mga problema. Bakit? Puwede kasi iyan na maka-apekto sa trabaho ninyo – tulad nang nangyari kay Jayson noong nakaraan.” Pagpapatuloy nito. Tumango-tango na lamang ako kay Gabriel nang matapos itong magsalita. Bago ako tumugon sa kaniya, tumingin muna ako sa aking paligid, nang mapansin ko na wala pang tao at wala pa rin ang aking mga kasamahan ay saka ako nagdesisyon na maupo sa isa sa mga bangkong nasa labas mg Gotohan. “Gabriel, ‘wag ka sa nang magagalit sa sasabihin ko o mandiri man lang sa akin,” pauna kong pagsasalita sa kaniya, nakita ko naman itong tumango sa akin at saka ako nagpatuloy sa pagsasalita rito, “nalaman mo na bakla ako, siyempre mayroon akong nobyo ngayon. Kaso, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa amin – sa kaniya. Bigla-bigla na lamang siya nanlamig sa akin.” Wika ko. “Did he ever told his reasons about his coldness?” balik na tanong nito sa akin. Tumango ako sa kaniya at muling nagpatuloy sa kaniyang pagtatanong si Gabriel sa akin, “ano raw ba ang rason niya bakit siya nanlamig bigla sa iyo? Ano ang ginawa mo para bumalik ‘yong sigla niya sa relasyon ninyo?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Gabriel. Bago ako tumugon sa mga tanong niyang iyon, tumingala ako at nakita ko kung gaano kalaya ang mga ibon sa kanilang paglipad sa himpapawid. Matapos iyon ay muli akong tumingin kay Gabriel at saka ako nagtuloy sa aking sagot sa kaniya, “Gusto na niyang magka-anak at bumuo ng isang desente at normal na pamilya,” nang sabihin ko iyon kay Gabriel, hindi ko napigilan ang aking sarili na muling mapaluha, dahil doon ay muli kong naramdaman ang kamay ni Gabriel sa aking balikat, “gusto niyang bumuo ng pamilya na hindi ako ang nakikita niya sa future niya.” “May pagkagago pala ang nobyo mo, Gian,” natatawang biro sa akin ni Gabriel, “pasensya na sa word, pero hindi ko lang talaga mapigilan na mainis dahil sa ginawa sa iyo ng nobyo mo. Alam mo, Gian, sa relasyon ninyo ng nobyo mo – isa sa sampung relasyon ang nagtatagumpay. Bakit? Sa tingin ko ay hindi nila hinahanap ang kulang sa mga partner nila.” “Ganun naman siguro kapag hindi talaga kayo ang para sa isa’t-isa. Tulad nu’ng sa amin ni Geoffrey, kahit na sinabi niya ‘yong rason niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ‘yong pagmamahal ko sa kaniya. Handa pa rin akong tanggapin ‘yong magiging anak niya sa ibang tao. Ewan ko, ‘di bale nang maging manhid, ‘wag lang akong iwanan ng taong mahal ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na mawala sa akin si Geoffrey.” Nakita ko namang umiling sa akin si Gabriel nang matapos akong magsalita sa kaniya. “Ayan… ayan ang dahilan kung bakit marami ang nasasaktan, kung bakit maraming napapakamartyr sa mga partner nila,” naramdaman ko ang pagtingala ni Gabriel at saka ito nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, “hindi masama ang bumitaw o magpahinga sa relasyon, Gian – lalo na kung sobra na ang sakit at stress na idinudulot sa iyo ng Geoffrey na ‘yan.” Tanging pagtango na lamang ang aking naisagot sa kaniya. Makalipas ang ilang segundo, ako naman ang nagtanong sa kaniya. “Ikaw, wala ka bang girlfriend man lang? Nakikita ko kasi rito na fulltime ka. Lagi kang busy sa mga gawain rito kahit may mga tauhan ka nang gagawa noon para sa iyo.” Mahaba kong pagtatanong sa kaniya. Ngumiti naman sa akin si Gabriel nang marinig niyang magtanong ako sa kaniya. “Wala rin, single ako for almost five years now,” tumingin sa akin si Gabriel at saka ito nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, “tulad mo, hindi rin nakuntento ang ex-girlfriend ko sa akin. I was building my dreams, achieving my goals in life with her, back then. But, unfortunately, she left me broken. “Nakahanap siya ng lalaking mas mayaman, may kotse, maraming pera na… makakapagbigay ng mga luho niya sa katawan. ‘Yong lalaking maraming oras sa kaniya at anumang oras niya tawagin, ay pupuntahan siya. Ako kasi, mas mahalaga sa akin ang future ko – ang magiging future ng magiging partner ko. I want to be more stable, I want to secure my future as well as my soon-to-be partner. Gusto ko settled na ang lahat. Planado.” Nang matapos magsalita sa akin ni Gabriel, wala sa aking loob na bahagyang napapalakpak dahil sa naging kasagutan nito sa akin. Tumango-tango ako sa kaniya at saka ako muling nagtanong rito, “Nasaktan ka ba? Nahirapan ka bang magmove on sa ex-girlfriend mo?” sunod-sunod na pagtatanong sa kaniya. Napalingon ako sa aming paligid, dahil pakiramdam ko ay napapahaba na ang aming kuwentuhang dalawa ni Gabriel. Nang wala pa rin akong nakitang tao sa aming lugar, maging ang mga kasamahan ko ay wala pa rin. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pagkukuwento sa akin ni Gabriel sa naging buhay pag-ibig nito. Nang tumingin ako sa kaniya, nakita kong bahagyang umiling sa akin si Gabriel at muli itong tumingala sa langit. “Hindi. Hindi ako nahirapan sa paglet go sa kaniya. Hindi rin ako nahirapan sa pagmo-move on ko sa ex-girlfriend ko. Hindi niya ako kayang i-appreciate. Bakit ako manghihinayang sa isang taong hindi marunong makuntento?” baling nito sa akin, “bakit ako mag-aaksaya ng panahon sa taong walang commitment? Gian, sa nangyari sa akin for the last five years, wala akong pinagsisihan. “Kung may talo man sa amin o mayroong malaking panghihinayang, ang ex-girlfriend ko iyon at hindi ako. Nagsumikap ako na magtagumpay sa buhay. Ginawa ko iyon para sa kaniya – para sa magiging future namin. Kaso, hindi siya nakapaghantay. At hindi siya ‘yong inilaan ng Lord para makasama ko sa habang buhay. There are people who walks in our life, some of them are just temporary people who will give us lessons, who will make us realize that love is not a game. Some are meant to be forever. People who will make us realize that love is enough when someone is happy to be with you, supported you no matter what, and cheer for your success. “Ayan ‘yong mga natutunan ko sa ex-girlfriend ko. At lahat ng iyon ay hindi ko nakita o naramdaman sa kaniya. Kaya nga, ang suwerte ng susunod na taong mamahalin ko. This time, ibubuhos ko na ang lahat ng oras at effort ko sa susunod na taong magugustuhan ko. I will make sure na hinding-hindi niya pagsisisihan na ako ang pinili niyang mahalin.” Mahabang pagsasalita sa akin ni Gabriel. Matapos iyon, agad kong nakita sina Jayson, Eson, at Maria na naglalakad papunta sa Gotohan, kasabay rin nila si Joel. “Ang suwerte naman ng tapng ‘yon, Gabriel,” pabiro kong sambit sa kaniya, napakamot naman ito sa kaniyang ulo, “sige na, nandyan na ‘yong mga taong hinihintay natin kanina pa. Salamat sa oras, Gabriel. Kahit papaano ay napagaan mo ‘yong loob ko.” Wika ko. Tanging pagtango at pagngiti na lamang ang isinagot sa akin ni Gabriel, ngunit bago ako pumasok sa loob ng Gotohan, isang mahinang paghawak sa aking balikat ang kaniyang ginawa na siya namang ikinagulat ko. “Mamaya na lang ulit, Gian. Sana next time, maging wise ka sa nobyo mo.” Matapos nitong magsalita sa akin, ay agad itong pumasok sa loob at mabilis na tinungo ang kaniyang opisina. Nang makalapit na ng tuluyan ang aking mga kasama, ay sabay-sabay na kaming pumasok sa loob kasabay si Joel na agad rin na nagtungo sa opisina ni Gabriel. Sa buong oras namin sa Gotohan, naging abala kaming lahat. Hindi rin namin makontrol at mapigilan ang sunod-sunod na pagpasok ng mga customer sa amin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit maraming tao a araw na ito. Ang madalas naming naririnig mula sa aming customers ay; mabait ang may-ari, ang crews ay matulungin at mababait rin raw. Nang marinig ko ang mga salitang iyon, hindi ko o namin maiwasang matuwa sa mga taong iyon. Dahil nagagawa nila kaming ma-appreciate sa aming trabaho. Sa buong maghapon, halos nagkakagulo kami nina Jayson, Eson, at Maria dahil sa sunod-sunod na pag-order sa amin. Nakita ko na rin na tumulong sa amin sina Gabriel at Joel. Natuwa naman ako nang nakita kong nagse-serve si Gabriel, na noo’y hindi niya ginagawa. Marahip ay nakita niya kaming apat na hindi na magkanda-ugaga sa aming trabaho. Makalipas ang mahigit kumulang sampung oras sa Gotohan, mag-a-alas siete na ng gabi nang makatapos kami sa aming gawain. Nang maisarado na ang Gotohan, kaniya-kaniya na kaming daan pauwi. Nang humiwalay na ako sa aking mga kasama, isang boses ang aking narinig bago ito sumakay sa kaniyang motor, “Ingat ka, Gian. Medyo madilim na d’yan sa daraanan mo.” Hindi na niya hinintay pa ang aking sasabihin nang agad na paandarin ni Gabriel ang kaniyang motor. Dahil doon, hindi ko naiwasan na mapangiti dahil sa kabiyang sinabi. Matapos iyon, ay muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Habang tinatahak ko ang daan pabalik sa bahay namin ni Geoffrey, hindi ko maiwasan na maisip muli ang nangyari kaninang umaga. Nang nasa harapan na ako ng aming bahay, agad na nagdalawang-isip ako na pumasok roon. Ngunit nang akmang tatalikod na ako upang umuwi muna sa amin. Ay siya namang pagbukas ng pintuan at tumambad sa akin si Geoffrey na seryosong nakatingin sa akin. Isang malalim na paghinga ang aking ginawa at nagderetso sa aking pagpasok sa bahay. Nang magkatapat kaming dalawa, narinig ko itong nagsalita. Ngunit sa sinabi niyang iyon, tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Para rin akong nabingi sa kaniyang sinabi sa akin. “Pinag-iisipan ko na baka dito ko patirahin o palipatin ang pamilya ko, Gian.” Hindi ko alam kung ao ang isasagot ko sa kaniya. Tanging pagtango na lamang ang aking ginawa sa kaniya at bago ako tuluyang umakyat sa aming kuwarto, nagsalita ako sa kaniya. “Bale wala rin pala ang pagbukod natin mula sa sari-sarili nating pamilya. Pero, sige, wala naman akong karapatan na kumontra sa gusto mo. Pamilya mo ‘yon, e, nobyo mo lang ako. Saka, ano ba ako rito? Wala naman akong naitulong sa pagbili ng bahay na ‘to.” Matapos kong sabihin iyon ay agad akong umakyta sa aming kuwarto. Hindi ko na rin hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Dahil pakiramdam ko ay nakagawa na siya ng desisyon bago pa man niya sabihin sa akin ang kaniyang iniisip. Para saan pa kung nagpaalam pa siya sa akin na dito niya patitirahin ang kaniyang pamilya. Hindi na rin ako kumontra, wala nama akong naibigay o ambag sa pagbili ng bahay na ito. Ako, mas may karapatan pa akong paalisin ng kaniyang nanay, kung gugustuhin ng kaniyang ina. At pakiramdam ko ay hindi tatanggi roon si Geoffrey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD