What was that? Did you intentionally did it?” deretsang pagtatanong ni Gabriel kay Jayson. “Jayson, I am not mad at you, what I want to know is the truth behind it. Now, tell me what happened?” sunod-sunod na pakiusap ni Gabriel kay Jayson. Napayuko na lamang kaming tatlo nina Eson at Maria, habang hinihintay na magsalita si Jayson.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglapit sa kanilang dalawa ni Joel at saka ito nagwika sa pagitan nilang dalawa. “Sige na, Jayson, spill it out. Hindi ka namin matutulungan kung hindi mo sasabihin ang totoong dahilan,” dahan-dahan akong napa-angat ng aking tingin nang marinig ko ang marahan na pakiusap ni Joel kay Jayson.
Ang buo kong akala ay ako lamang ang nakahalata sa bagay na iyon, maging sina Eson at Maria rin ay nakatingin sa kanilang tatlo. Napatingin naman ako sa dalawang taong katabi ko at nang maramdaman nila ba pinagmamasdan ko sila, ay kapwa rin silang tumingin sa akin na may mga mahihinang pagbulong sa kanilang mga labi.
“Totoo po niyan, Sir Gab…” huminto sa kaniyang pagsasalita si Jayson ay marahan na yumuko sa harapan nina Joel at Gabriel, matapos iyon, ramdam na ramdam ko na tila may pumipigil sa kaniya na sabihin ang totoo kina Gab. “…’Yong babae po kanina, malaki po ang utang sa kaniya ng nanay ko. Kaya ganun-ganun na lamang kung ipahiya at matahin niya ang buong pamilya ko.”
Sa mga narinig naming iyon mula kay Jayson, miski ako ay hindi ko napigilang masaktan. Naaawa ako at nasasaktan sa tuwing mararanasam iyon ni Jayson. Hindi ko magawang ma-ilarawan sa aking isipan kung paano nagagawang kayanin at huwag pansinin ni Jayson ang mga ganung pang-aalipusta sa kaniya ng ibang tao – lalo na sa kaniyang pamilya.