CHAPTER 7.1: GIAN

1199 Words
“I see,” narinig kong wika ni Gabriel habang marahan niyang hinihimas ang kaniyang baba, “okay, sa susunod na pumasok siya rito – huwag ninyo siyang hayaang um-order ng gusto niya. We have the right to refuse the services to those undeserving customers. We have to save and serve to those who deserve our good services. I don’t care about the sales, I care a lot for good quality, satisfaction, and good services. “Ayan ang palagi ninyong tatandaan. Plus, you guys could stand your point towards those customers who belittle you, who makes fun of you because of job, those who disrespect you. Marangal ang trabaho ninyo at huwag ninyo itong ikahiya.” Matapos magsalita ni Gabriel sa amin ay agad itong tumalikod at naglakad papasok sa kaniyang opisina. Kasunod ni Gabriel, ay naglakad na rin paalis sa aming harapan si Joel. Nang mawala na ang dalawa sa aming paningin, agad kaming lumapit na tatlo nina Maria at Eson kay Jayson. Nang makalapit na kami rito, marahan kong tinapik ang balikat ni Jayson upang bahagyang pagaangin ang nararamdaman niyang bigay sa kaniyang dibdib. “Grabe naman pala ang babaeng ‘yon! Gagawa na lang ng eskandalo, rito pa talaga sa pinagtatrabaho-han mo. Hindi na nahiya ang tulad niga ha?!” galit na pagsasalita ni Maria kay Jayson. Napa-iling naman sa kaniya si Eson habang nakayuko ito sa kanilang dalawa. “Alam mo, Maria, mahirap talaga ang sitwasyon ni Jayson, lalo na nu’ng kanina. Pero kung ako ang nasa lugar na ‘yon? Malamang sa malamang, umuwing may black eye ‘yon sa akin!” napa-iling na lamang ako sa pagsasalitang iyon ni Eson habang marahan nitong kinakamot ang kaniyang magkabilang kamao, “hayaan mo na ‘yan, pre. Hindi ka naman pinagalitan ni Boss Gabriel. Buti nga at malawak ang pang-unawa niya sa mga tauhan niya.” Pagpapatuloy nito sa kaniyang pagsasalita. Makalipas pa ang ilang mga oras, nagdesisyon na kaming apat na umuwi sa kaniya-kaniya naming bahay. Habang naglalakad kami ay isa-isa kaming nababawasa, hanggang ako na lamang ang natira sa aming apat. Nang nasa tapat na ako mg aming bahay ni Geoffrey, at akmang papasok, isang tao ang aking nakita dahilan upang mapatigil ako sa aking gagawin. “Joaquin!” masaya kong pagtawag sa pangalan ng aking kapatid. Nang marinig nito ang aking pagtawag sa kaniya, agad naman siyang huminto, maging ang mga kasama nitong iba pang lalaki. Mabilis nama akong lumakad palapit sa kaniya at saka ako nagsalita rito, “saan ka pupunta? Nagpaalam ka ba kay nanay? Baka hanapin ka nu’n sa bahay.” Sunod-sunod na pagsasalita ko sa aking kapatid. Nakita ko namang itong napangiti ng maasim matapos kong magsalita sa kaniya. Humarap ito sa akin na may tingin na nakakatakot, ngunit hindi ko mawari kung bakit ganun na lamang ang pagtingin niya sa akin. “Wow, kuya? Concern lang? Puwede ba, ‘wag mo kong gawing bata. Nakaka-asiwa, e! Nakakahiya pa sa harap ng barkada ko!” Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Joaquin. Kaya naman, hindi ko napigilan ang muling magsalita sa kaniya. “Joaquin, saan mo napupulot ang mga salitang iyan? Hindi ka namin tinuruan ni nanay ng ganiyang asal!” hindi ko napigilan ang aking sarili na makapagtaas sa kaniya ng boses. Ngunit, mas lalong sumama ang tingin sa akin ng aking kapatid. “Simula noong sumama ka d’yan kay Geoffrey, kinalimutan ko namg may kuya ako. Nahihiya nga ako, sa totoo lang… nahihiya ako dahil may kapatid akong bakla… na may kuya akong bakla! Naasiwa ako at nandidiri sa ‘yo—” hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin sa akin ni Joaquin nang isang malakas na sampal ang aking ginawa sa kaniyang pisngi. Maging ang kaniyang mga kasama ay nagulat sa aking ginawa, dahil sa inis na aking nararamdaman sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko rin magawang makaramdam ng awa sa aking kapatid. “Joaquin, hindi ko gusto na gawin ang bagay na ito sa iyo. Kapatid kita at kahit kailan, hindi kita tinuruan ng maling gawain. Pero, bakit ganito ka sa akin? Bakit ipinapahiya mo ako… nakuya mo?” “Tinatanong mo ako, kuya, kung bakit? Naaalala mo ba ‘yong sinabi sa atin ni tatay noong mga bata pa tayo? Ayaw niyang maging bakla tayo. Lalong ayaw na ayaw niyang makipagrelasyon sa kapwa lalaki natin. Kasalanan ‘yon, kuya. Malaking kasalanan.” “Oo, hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi sa atin noon ng tatay. Naaalala ko pa rin kung paano niya niloko si nanay, at ipagpalit sa ibang lalaki. Ngayon, Joaquin, gusto mo ring tumulad sa ama mo? Mas gugustuhin ko nang maging ganito, kaysa pinababayaan ang sarili pamilya, kaysa naman, hindi marunong makuntento sa mayroon siya.” Matapos kong magsalita kay Joaquin, tanging pag-iling na lamang ang kaniyang ginawa sa akin. Agad rin itong umalis, ngunit isang malakas na pagbangga ang ginawa nito sa akin, na halos ikatumba ko na. Isang malalim na paghinga ang aking ginawa, upang ilabas ang sama ng loob na aking nararamdama sa mga sandaling ito. Nang mawala na nang tuluyan sa aking paningin si Joaquin, ay muli na akong bumalik sa pagpasok sa aming bahay. Nang nasa harapan na ako ng pintuan ay marahan kong binuksan iyon. Ngunit napatigil ako sa aking ginagawa nang isang boses ng babae ang nagsalita mula sa aking likuran. Kaya naman ay dahan-dahan akong humarap at bumungad sa akin ang nanay ni Geoffrey na si Tita Glenda. Nang makita ko ito, ay magalang akong yumuko at dahan-dahan na lumapit upang magmano sa kaniya. Ngunit, nagulat ako nang tapikin nito ang aking kamay. Kaya naman dahil sa napahiya ako, ay marahan kong inilagay sa aking likuran ang aking kamay. “Alam mo, Gian, pa-prangkahin kita. Ayoko sa tulad mo, dahil alam ko na walang magandang bukas ang naghihintay para sa anak ko. Hindi rin siya makakagawa ng isang maayos at desenteng pamilya na kasama ka. “Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa ninyo ni Geoffrey? Pinagtatawanan na kayo ng mga tao, miski ako ay nandidiri sa inyo. Baka nakakalimutan mo, lalaki pa rin si Geoffrey – maaakit pa rin siya sa babae, at maiisipan niya ring magka-anak. At oras na makabuntis siya, huwag kang umasa na… pagagalitan ko ang anak ko. Dahil napakalaking pabor nu’n sa akin.” Sa mga sinabing iyon sa akin ng ina ni Geoffrey. Hindi ko magawang makapagsalita, marahil sa nahihiya ako sa kaniya dahil magulang siya ng taong mahal. Natatakot rin ako sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko rin napigil ang aking luha na lumabas sa aking mga mata dahil sa sakit na aking nararamdaman dahil sa mga masasakita na salitang ibinato sa akin ni Tita Glenda. “Gian, huwag mo kong iniiyakan. Hindi mo ako madadala sa paluha at pa-iyak-iyak mong ‘yan!” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahan na lumapit sa akin, tumapat siya sa aking taenga at saka mahinang nagsalita sa akin, “hindi ka babae, at kahit kailan, hindi ka magiging babae. Kaya kung ako sa iyo, bitawan mo na ang anak ko. Kung ayaw mong ako mismo ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kayong dalawa ng anak ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD