CHAPTER 8: GEOFFREY

600 Words
“Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko? ‘Di ba ang sabi mo, ay gusto mo nang bumukod at gumawa ng sariling pamilya at buhay? Bakit ngayon, narito ka?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ng aking ina habang hindi nito inaalis ang tingin sa hawak niyang baraha. Matapos itong magsalita sa akin, dahan-dahan akong pumasok ng bahay at marahan na lumapit sa kaniya saka ako nagwika rito, “’Nay, hindi naman po tama ang mga sinabi ninyo kay Gian. Napahiya ho ‘yong tao. Akal ko po ba nagkakaunawaan na tayo?” balik na pagtatanong ko sa kaniya. Nang marinig niya ang sinabi ko sa kaniya, dahan-dahan itong lumingon sa akin at nagulat ako ng ihagis ng aking ina ang mga baraha na kaniyang hawak-hawak. “Kung ganun, nagsumbong pala sa iyo ang nobyo mong bakla sa iyo? Wala ka naman roon, nu’ng kinompronta ko siya,” saad nito, “ayon, kaya naman pala pumunta ka rito, dahil lang d’yan.” Pagpapatuloy nito. Napa-iling na lamang ako sa sinabing iyon ng aking ina. “Totoo nga na ginawa mo iyon kay Gian? ‘Nay, bakit mo naman kami ginaganito ni Gian? Mahal ko po siya! Kung hindi ko kayang respetuhin si Gian, respetuhin mo naman siya bilang tao. Kahit ayon lang, ‘nay.” Wika ko. Tumango-tango naman ito sa akin, tumayo siya at humarap sa akin. Nagulat na lamang ako sa kaniya ng isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa kaniyang palad. Dahil sa sakit at hapdi, agad akong napahawak sa aking kanang pisngi. Hindi ko nagawang makapagsalita, kaya naman agad akong napayuko sa kaniya at marahan na napa-iyak sa kaniyang harapan. “Tanga! Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa baklang ‘yon! Huwag mong sayangin ang buhay at panahon mo kay Gian. Walang mangyayari sa iyo sa ganung buhay – sa buhay na malabong mangyari kasama si Gian. Geoffrey, gusto ko, ay babae para sa iyo. Hindi lalaki, hindi bakla! “Anak, kasalanan ito. Alam ko na mabait ka at susunod ka sa gusto ko. Geo, sige na, makinig ka sa akin. Makinig ka sa nanay mo. Mali ito, maling-mali. Hindi ako magagalit kung mambabae ka o magpunta sa mga bar. Magiging masaya pa ako doon kapag ginawa mo ang bagay na ‘yon.” Mahabang pagsasalita sa akin ng akig ina. Umiling ako sa kaniya habang nananatili pa rin akong nakayuko sa kaniyang harapan. Hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa nagbabadya sa pag-iyak. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na nag-unahan sa pagluha ang aking mata. “’Nay, mahal ko si Gian. Siya na ‘yong buhay ko ngayon. Wala na akong pakialam sa babae o sa pamilya na pangarap ninyo para sa akin. “Ako ito, kasiyahan ko. Kung kasalan man o imoral ang tingin mo sa gusto ko – sa nagpapasaya sa akin. Ayos lang, ‘nay. Ayos lang sa akin, basta kasama ko lang si Gian. Ngayon lang ako naging masaya, ngayon lang ako natutong magdesisyon para sa sarili ko, ngayon lang ako gumawa ng isang bagay na hindi ko kailangan ng aprobal mo. Kaya sana, sana naman ay maunawaan mo ako.” “Hindi, Geoffrey! Hinding-hindi ko kayang tanggapin itong katarantaduhang pinaggagagawa mo. Nakakadiri kayong dalawa ni Gian!” bakas sa kaniyang ekspresyon ang matinding galit, maging sa tono ng kaniyang pananalita sa akin, “ito ang tatandaan mo, Geoffrey. Habang anak kita at nanay mo ako, at habang nasa puder kita. Ako ang masusunod sa ayaw at sa gusto mo. Ako ang nanay mo at walang magagawa ang desisyon laban sa akin.” Pagtatapos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD