Hindi na ako sumagot pa sa kaniyang sinabi sa akin, tanging pagtango na lamang ang aking nagawa at saka ako dahan-dahan na tumalikod papunta sa pintuan ng kanilang bahay. Nang mahawakan ko na ang door knob ng pintuan, muli kong narinig na nagsalita ang aking ina, ngunit hindi ko na inabala pa ang aking sarili na tumingin pa sa kaniya.
“Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Geoffrey. Ikaw rin, baka magsisi ka sa huli. Mahalaga ang pamilya sa hinaharap, masarap magkaroon ng anak – na aakay sa iyo sa pagtanda. Magkaroon ng isang babae, isang tunay na asawa na mag-alaaga at makakapagbigay ng mga pangangailangan mo. Huwag mong sayangin ang panahon, Geo, anak ko.”
Matapos magsalita ng aking ina, ay agad akong lumabas ng kanilang bahay. Naging mabilis ang aking paglalakad papunta sa talyer kung saan ako nagtatrabaho. Ilang minuto nang marating ko ang lugar na iyon, naabutan ko ang aking mga tauhan na abala sa kanilang mga kaniya-kaniyang trabaho. Kaya naman, nang walang nakapansin sa akin, agad akong dumeretso sa aking opisina.
Nang makapasok ako, marahana kong umupo sa sofa na nasa gilid ng aking working table. At doon, isa-isa kong kinuha ang mga papel na nakapatong sa mesa at saka ko inabala ang aking sarili sa pag-aayos ng mga iyon. Habang abala ako sa pagbulat-lat ng mga papel, hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa aking opisina si Evan.
Nagulat na lamang ako rito ng marinig ko itong nagsalita mula sa aking gilid, “Boss Geoffrey, may problema ka po ba?” tanong nito sa akin, hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon sa akin, bagkus, tanging paghinga lamang ng malalim ang aking ginawa bilang sagot ko sa kaniya, “tatawagin sana kita kanina, boss, e. Kaso, mukhang wala kayo sa wisyo kaya hinayaan ko na lang kayo na pumasok rito sa opisina ninyo.” Pagpapatuloy ni Evan.
“Ewan ko ba, Evan? Naguguluhan na rin ako sa nangyayari sa buhay ko – sa sarili kong kagustuhan. Masyado nang dinidiktahan ng nanay ko ang buhay ko, maging ‘yong taong gusto kong mahalin,” malungkot kong pagtatapat sa kaniya, “alam mo? Mahirap rin sa akin na hindi ko sundin ang kagustuhan ng nanay ko, mahal ko siya, mahal ko rin si Gian. Naguguluhan na rin ako talaga.”
“Gian, may boyfriend ka, boss?” napatingin ako kay Evan nang marinig ko itong muling nagtanong sa akin, huli na nang mapagtanto ko na hindi pala nila alam na may kinakasama akong kaparehas kong kasarian. Tumango ako sa kaniya bilang sagot ko sa tanong niya sa akin, “Bale, boss, ano ‘yong gusto ng nanay mo? Bakit parang problemado ka ngayon?”
“Gusto niya na hiwalayan ko si Gian. At maghanap ng babae. Gusto ko rin naman magka-anak, pero hindi pa ngayon,” wika ko sa kaniya, tumango-tango naman sa akin si Evan habang nakikinig ito sa aking kinukuwento sa kaniya, “gusto niya na mambabae ako, at iwanan ko si Gian. Ayokong gawin ang bagay na ‘yon, ayokong saktan ang taong mahal ko. Pero, mahalaga rin sa akin na… maibigay ang hiling o gusto ng nanay ko. Pangarap niya ring magkaroon ng apo.”
“Ayon naman pala, boss, e. Kahit ako, susundin ko ang nais o gusto ng nanay ko. Pangarap talaga ng mga nanay natin na magkaroon ng apo. Ayaw mo nu’n, boss? Mapapasaya mo ang nanay mo, plus, magkakaroon ka ng maayos at desenteng pamilya. Ikaw rin, boss, baka mahuli pa ang lahat sa iyo.”
Akmang magsasalita na sana ako, nang biglang pumasok ang isa sa mga tauhan ko na si Ricky sa aking opisina. Kapwa kami napatinging dalawa ni Evan kay Ricky at bumungad sa amin ang isang taong nasa likod nito. “Boss Goeffrey, may naghahanap ho sa inyo,” saad nito ay nakita ko na lamang na dahan-dahang pumasok sa aking opisina si Bea. Naging dahilan naman iyon upang tumayo at marahan na sumama si Evan kay Ricky pabalik sa kanilang trabaho.
Ngunit, bago tuluyang umalis sa aking opisina si Evan, muli itong lumapit sa akin at mahinang bumulong sa aking taenga, “Boss Geoffrey, siya na ang sagot sa mga problema mo. ‘Wag mo nang pakawalan iyan. Oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Grab mo na ‘yan, boss.” Matapos iyon ay agad itong umalis kasama si Ricky.
Nang tuluyan nang mawala sa aking paningin si Evan at Ricky, inabal ko naman ang aking sarili upang asikasuhin si Bea. “Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Ms. Bea?” tanong ko rito, nakita ko namang itong napangiti ito sa naging tanong ko sa kaniya, isang mahinang hampas nama ang kaniyang ginawa sa aking balikat dahilan upang mapatawa ako ng mahina sa kaniya.
“Ano ka ba, Geoffrey, masyado ka namang pormal sa pagbati sa akin,” marahan itong umupo sa aking tabi at saka muli itong nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “you look so stress. Anyways, dumaan lang ako rito para magsorry sa mga nasabi ko sa iyo, sa mga tauhan mo the other day. Talagang masama lang ‘yong timpla ko noong nakaraan. Sorry,” nakangiti nitong paghingi ng kaniyang tawad sa akin.
Napa-iling na lamang ako at napatawa ng mahina. “Ano ka ba? Wala ‘yon, ayos lang. Normal lang naman na magkaroon ng ganung eksena sa trabaho,” saad ko, “ano pala ang pinagkaka-abalahan mo ngayon? Naayos ba ‘yong importanteng lakad mo noong nakaraan?” sunod-sunod na pagtatanong ko sa kaniya. Tumango naman ito sa sa akin.
“Yes, naging smooth naman ‘yong deal ko doon sa isang negosyo,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo, “siya nga pala, mauuna na ako at baka hinahanap na ako ng mga dancer ko sa club. Ikaw, kung gusto mong bumista, or isama mo ‘yong mga tauhan mo roon sa club ko.
“You are all welcomed there. Maraming babae roon, and for sure, mag-e-enjoy kayo roon. Plus, marami ring alak doon. Saka, I will entertain you if you want. Basta, punta ka na lang doon kapag may free time ka. Malapit lang naman ang club ko, sa kabilang kanto lang naman. Bye!” matapos magsalita sa akin ni Bea ay agad itong lumabas ng aking opisina na nagmamadali.
Matapos iyon, isa-isa ko nang inayos ang mga papel na nagkalat sa aking tabi at maayos iyon na isinalansan sa aking working table. Agad rin akong lumabas matapos kong maayos ang loob ng aking opisina, at maingat kong ini-lock iyon. Nang makalabas ako, nakita ko sina Evan, Jeffrey, Ricky, at Michael na abala pa rin sa kanilang mga trabaho kahit na malapit nang mag gabi.
Hindi na ako nagpaalam sa kanilang apat, bagkus ay maingat at tahimik akong umalis ng talyer upang hindi sila maabala sa kanilang mga ginagawa. Habang naglalakad ako pauwi sa aming bahay ni Gian, samu’t-saring saloobin at isipin ang nagtatalo sa aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko; kung ang pagmamahal ko kay Gian o ang nais na iparealize sa akin ng aking ina.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ko, hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng aming bahay ni Gian. Dahan-dahan akong nagtungo sa harap ng pintuan at maingat at walang ingay kong binuksan ang pintuan. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay, nadatnan ko sa sala si Gian na hawak-hawak ang aming litrato na nasa isang frame at tahimik niya iyong pinagmamasdan.
Hindi ko na ginawang tinawag o nilapitan si Gian, marahil ay gawa na rin ng samu’t-saring isipin o marahil ay ayoko siyang maabala sa kaniyang ginagawa. Dahan-dahan akong nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay, nang nasa tapat na ako ng kusina, nakita ko na nakahanda na ang aming hapunan, tanging ako na lamang ang hinihintay roon. Ngunit, bigla akong nawalan ng gana na kumain kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagpanik.
Nang makarating na ako sa aming kuwarto, marahan ko iyong isinara at agad kong tinungo ang aming kama. At doon ako ay nahiga, sa mga sandaling ito, tila para ako nalulunod sa sobrang daming isipin na dumaraan sa aking utak. Hindi ko na magawang maikurap ang aking mata dahil natutulala na lamang ako sa kung ano ang dapat na gawin ko.
“Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay naguguluhan ako? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay Gian, sa mga sinasabi sa akin ng aking ina, sa mga pagsang-ayon ng mga trabahador ko sa kung ano ang nais ng aking ina para sa akin. Ngunit, paano naman si Gian? Paano naman ang mga binitawan kong mga pangako sa kaniya? Sa kaniyang ina? Bakit ngayon pa ako naguluhan ng ganito.”