Isang taon ang lumipas at hindi na muli pang nagtagpo ang landas namin ni Dwayne. Kahit papaano ay masaya ako sa naging buhay ko kasama si Seth at ang mga kapatid ko. Bumalik sa pag-aaral si Ely nang nakapag-ipon kami. Maging si Migo ay kumuha rin ng ilang unit sa college. Mabuti na nga lang at masipag siya kaya nakakaya niyang pagsabayin ang trabaho at ang pag aaral niya. "Bakit nandito ka? Akala ko ba hindi ka darating?" Pagtataray ni Mel sa kadarating lang na si Zoren. "Nagdala ako ng cake para kay Seth!" anunsyo ni Zoren at hindi pinansin si Mel. Lumapit siya kay Seth, at saka agad itong kinarga. "Alam mo habang lumalaki ka, may nagiging kamukha ka." "Sino po, Tito Zoren?" inosenteng tanong ni Seth. "Iyong ex ng mama mo," halakhak ni Zoren. Lagi niyang sinasabi 'yan sa tuwing na

