Mag a-alas singko ng hapon nang nagdesisyon akong uuwi na. Nagliligpit ako ng gamit ko kasabay ang iba ko pang kasama sa office nang biglang natatarantang nagsipagbalikan ang lahat sa kanilang mga pwesto. "Anong meron?" tanong ko kay Janice. "Nandito ang mommy ni Boss Dwayne." "Ha?" Sa gulat ko'y hindi agad iyon na-proseso ng utak ko kaya nakaupo pa ako ng pumasok ang mommy ni Dwayne sa office. "Good afternoon, Mrs. Buenaventura!" pagbati sa kan'ya ng mga empleyado. Agad akong tumayo at yumuko nang nagdiretso sa akin ang paningin ng mommy ni Dwayne. "G-good afternoon, ma'am," sabi ko nang huminto siya sa harapan ko. "Let's talk, Hija. Sumunod ka sa office ni Dwayne," aniya, saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa office ni Dwayne. Humugot pa muna ako ng malalim na hininga bago ako

