Sa araw na 'yon ay hindi ako pumasok ng opisina. Sinimulan kong maghanap ng ibang trabaho na pwede kong pasukan, at doon ko ginugol lahat ng oras ko. Nang sumapit ang gabi ay nagdesisyon akong paunlakan ang imbitasyon ni Edward na makipagkita sa akin. "Kanina ka pa?" tanong sa akin ni Edward at naupo agad sa katabing swing na inuupuan ko. Sinabi ko sa kan'yang dito na lang sa lumang parke malapit sa bahay namin kami magkita. Napagod ako sa paghahanap ng trabaho kanina kaya hindi na kakayanin ng katawan ko ang bumyahe pa papunta sa kung saan. "Kadarating ko lang din," simpleng tugon ko sa kan'ya. "Pasensya na. Hinanap ko pa kasi 'tong parkeng tinutukoy mo. Dito ako natagalan." "Kotse mo?" tanong ko habang nakatingin sa itim na sasakyang nasa labas ng parke. "Uhh... oo." "Umasenso ka

