"D-Dway... B-boss Dwayne..." kandautal ko. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Ronnie sa siko ko at ang pagpihit niya patalikod. Pero hindi na ako nag abala pang tingnan man lang siya. Para na akong nabibingi sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi na ako sanay sa pakiramdam. Ngayon na lang ako ulit kinabahan ng ganito. Iyong kabang baka magalit sa akin si Dwayne. Ngayong araw lang opisyal na naging kami, ayaw ko ng away. "Good morning po, Boss," bati ni Ronnie kay Dwayne. Matalim ang naging titig sa akin ni Dwayne nang lagpasan niya kami. Kaya mabibigat ang naging paghinga ko habang tinitingnan siya. "Lumina, manliligaw ako," pagbabalik ni Ronnie sa usapan namin nang lagpasan kami ni Boss Dwayne. "Ronnie, kasi..." Huminto ako't kinagat ang labi ko. Paano ko sasabihin sa kan'yang hindi na ako p

