"Sobrang na-miss kita, Baby." Niyakap ako ni Dwayne nang sobrang higpit. Iyong tipong ipit na ipit na ako sa katawan niya sa sobrang panggigigil niya. "Ugh! D-Dwayne!" sabay tapik ko sa likuran niya kung saan nakayakap ang mga braso ko. "Papatayin mo yata ako, e." reklamo ko sa kan'ya. Nasa sala pa rin kami at parehas na wala yatang balak maupo. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka paulit-ulit akong hinalikan sa labi. Hindi ko na nabilang pa kung pang ilang ulit na dumampi sa labi ko ang labi niya bago niya ako tinitigan. "Lumina, mahal na mahal kita." Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti. Bumabawi ba 'tong lalakeng 'to? "I said I love you," aniya nang hindi ako sumagot. "Oh tapos?" panunukso ko pa. "Sabi ko nga mahal kita." "Mahal ko na rin ang sarili ko, Dway

