Kabanata 47

1851 Words

"Ang bastos mo na, Lumina! Nakapag Maynila ka lang, gan'yan ka na kung umasta! Ni hindi mo inisip ang mga bagay na naitulong ko sa inyo!" singhal ni Tiyang Melba sa akin habang sapo-sapo niya pa rin ang kan'yang dibdib. Kunot na kunot na ang noo ko habang nakatingin ako sa kan'ya. Hindi ko makuha-kuha ang mga inirarason sa akin ni Tiyang Melba. Kung susumahin ay wala siyang naitulong sa amin maliban sa ang ipasok ako sa club na pagmamay-ari ng kaibigan niya. "Tinatawag niyo po bang tulong ang pagpapa-pasok niyo sa akin sa club? Hinayaan niyo kong babuyin ng kung sino-sino para buhayin kayo? Tulong po ang tawag niyo ro'n?" Pasinghal akong natawa. "Tiyang Melba naman! Magbago na po kayo! Kahit konting konsensya man lang po sana'y magkaroon kayo." Hindi ko naiwasang maging emosyonal. Mabil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD