Nag desisyon agad akong umuwi matapos kong marinig ang mga sinabi nila sa akin tungkol kay Ely at sa tiyuhin namin. Nanginginig ang mga kamao ko habang naglalakad pauwi bitbit ang isang supot ng barbecue at kanin. Sarado ang pintuan nang datnan ko. Padarag ko 'yong binuksan, at mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong malakas na pagsampal ni Tiyang Melba kay Ely. "Ely!" sigaw ko at agad na inilapag sa maliit na lamesa ang pagkaing dala. Saka ako mabilis na dumulog sa kapatid ko na ngayo'y nakaluhod sa harapan ng tiyahin namin. "Ate!" "Tiyang! Ano pong ginagawa niyo!? Bakit niyo po sinasaktan si Ely?" "Anong mga kalokohan ang pinagsusumbong sa 'yo ng kapatid mong 'to? Alam mo ba kung gaano ka sinungaling 'to?" Kunot-noo akong tumayo at lakas loob siyang hinarap. "Bakit po? An

