Chapter 5

2205 Words
"Seven thousand eight hundred seventy five pesos po Ma'am" Bumunot ako ng eight thousand sa wallet at inabot ko ito sa babae. Pagka-bigay ng sukli sa akin ay ibinulsa ko ito agad at iniutos sa bagger na ilagay lahat ng napamili ko sa cart. Mahigit four months supply ng shampoo, sabong pampaligo, panlaba at kung ano-ano pang mga kitchen necessities gay ang suka, toyo, patis, ilang lata ng langis at kung ano-ano pang hinding hindi mo mabibili sa Versalia. Sinungaling talaga yung sabi sa t.v. Nasa Versalia na daw ang lahat. Ngingiti-ngiti ako sa sarili ko habang naglalakad sa mall habang tulak-tulak ang aking mga napamili. Gone were the days na manghihingi ako ng sabong panlaba sa katulong ng kapitbahay. Mga araw na wala kang patis man lang sa bahay. Mga pagkakataon na napilitan akong isabon sa katawan ang tide dahil naubos na ang safeguard ko. Nakabili pa ako ng ireregalo kay Sherri. Sana lang magustuhan nya. Isang beses ko lang naman syang nakausap kaya hindi ko sure kung ano ang mga gusto nitong gamit kaya pa-chambahan na lang. Well sana magustuhan nya... nawa... Walang ano-ano'y may nakinig akong mga yabag ng mga paang nagmamadali. Mga taong nag-iiritan. Maya-maya pa ay dali-dali kong binalya ang sarili ko at ang aking cart sa pader at flinat ang katawan ko ng dumating ang pinagmumulan ng ingay. Isang stampede ng mga babae, lalake, bakla, tomboy, bata, matanda, may kilay o wala. Panic na panic sila at parang tense na tense. "Miss may bomb threat ba? Sunog? Hostage crisis? Zombie attack? Ninety percent sale?" mabilis kong tanong sa mall employee sa di kalayuan na kagaya ko ay napadikit na din sa pader ng nagsidaanan ang mga tao. Napatawa ito at umiling, "Wala po Ma'am. Dumating na po ata si Curt. Yung model at swimmer." "Grabe akala ko naman kung ano na. Salamat." Ngumiti ito sa akin at umalis na. Muntik ko nang makalimutan, papanuorin ko pa pala yung mga fans ni Curt. Sabi ni ate dslr kanina ibang level daw pag nakita na nila ng personal yung idol nila. Mabilis na itinulak ko yung aking cart papunta sa elevator at dumeretso ako sa fourth floor. Bakit kamo ako sa fourth floor dumeretso at hindi sa third floor? Well, punong-puno na sigurado ang third. Baka bumbunan lang ng iba ang makita ko. Pag sa fourth medyo maunti siguro ang naka-pwesto. Well, tama ako. Kakaunti nga nasa fourth floor. Karamihan ay may mga dalang mga camera ang nakatayo sa gilid ng grills. Minabuti kong sumilip sa baba at nakita ko nga ang isang lalaki sa stage na nakaway sa mga tao. Well, hindi sya ang pinunta ko dito. Itinuon ko ang atensyon ko sa mga babaeng nagkakanda iyak at tulo ng laway kakasigaw. Parang mga nasapian ng mga espiritong gala dahil halos maglupasay na at mag-gugulong sa pagwawala. May mga kaklase ako dating napunta sa ganito. Pero hanggang irit lang sila at kaway. Hindi ko akalain na meron palang ganitong eksena sa mga fan shows. Hindi ko na namalayan na naiyak na pala ako kakatawa. "Sabi ko na sa'yo diba?" Napalingon ako bigla sa babaeng tumabi sa akin. Si ate dslr pala. "Naku, salamat at sinabi mo sa akin. Laughtrip to the max!" magiliw na sabi ko dito. Ngumiti naman ito sa akin at isinabit ang camera nito sa leeg ko, "Here, use this. I'm sure you will see the people's expression more clearly." Wala na din akong nagawa dahil nasa leeg ko na yung camera kaya sumilip na din ako. Napatalsik ang laway ko ng makita ko in detail kung paano tumalsik sa stage yung pustiso ni ate. "Wahahahahaha!" "See? Mas malinaw diba?" masayang tanong nito sabay kuha ulit ng camera at finocus ito kay Curt na naghubad na ata ng t-shirt. Nag-iritan lalo ng malakas ang mga nanunuod. Really, diba may picture na nga sya sa labas na half-naked? Ano ba ang kaibahan sa personal? Sinilip ko si Curt at wala lang. Nakita ko na naman katawan nya dun sa labas ng mall. I can't really spot the difference. Sunod-sunod naman ang kuha ng pictures ni ate dslr. Iba't ibang angulo. Meron kay Curt, meron sa mga nanunuod, sa mga fans at kung saan, saan pa. "Avid fan ka din ba nya?" Nagdilim naman ang paningin ni ate, "Heck no! Trabaho ko lang na picturan sya." Oh... Baka Photo-Journalist si ate. Figures. Well, wala na naman akong mapapala sa pagtanga pa dito. Hahanap pa ako ng hotel na matutulugan at bukas na bukas din ay uuwi na ako sa Burrows. Eight pa naman ang alis ng barko, American time. "Sige, uuna na ako ha? Salamat!" paalam ko dito. Ngumiti naman ito at kumaway sabay patuloy ng ginagawang pag pipicture taking. -0- "Hindi tayo kasali? Kahit saang category? As in?" gulat na tanong ko kay Daisy habang sabay kaming naglalakad sa gitna ng "bakuran" ng Almorica Building isang katanghaliang tapat Topic namin ang foundation week ng Versalia University. Tumango ito at nag unat-unat na para bang ang presko-presko ng aming dinadaanang desyerto. Siguro nasanay na din siguro siya. Ako medyo pinapawis lang ng konti, hindi katulad nung first day ko na halos ma-dehydrate ako. "As in Polli. Hindi na tayo pwedeng sumali sa mga sports activities na isa sa mga highlights ng foundation day. Wala tayong panlaban sa Mr. and Ms. Versalia University. Pero at least hindi pa nila naiisip na i-ban tayo sa mga booth at rides" sagot ni Daisy sabay tawa. "Grabe naman yun..." "Well, bakit pa nga ba tayo sasali? Hindi din naman tayo mananalo. Aksaya lang tayo ng panahon at energy. It's always been like this since goodness knows when. Kinder pa lang ako ganito na ang kalakaran dito. Walang pagbabago, well except sa pahirap ng pahirap ang buhay at paunti ng paunti ang mga Almoricans every year." God, eto na naman ang utak talangka ng mga ka-faction ko. Medyo nasasanay na nga ako, hindi na ako nakikipagtalo. In the end ako lang ang mapapagod. Kahit ata i-m******e sila isa-isa walang kikilos para matigil yun. "Sige ha? Una na ako sa'yo" paalam ni Daisy na dumeretso sa left wing ng building kung saan nag kaklase ang college students. Naiwan naman akong umiiling at bumuntong hininga na lang. Well, eto na ang pagkakataon para sundin ang kasabihan na "If you can't beat them, Join them" -0- "Ano ba yan? Pati bata pinapatulan mo?!" galit kong sigaw sa isang kapwa ko first year na Feng na tinadyakan ang lalaking grade four Almorican ng hindi nito sinasadyang mabungo nito ang Feng sa pagtakbo isang araw bago ang foundation week. Naningkit ang mga mata nito, well singkit na naman talaga sya, pero mas lalong lumiit sa galit sa akin matapos kong tulungan ang bata at pinatakbo pabalik sa building namin. "Kinampihan mo pa ang nambunggo?!" "Nag-sorry na naman siya sa iyo diba? Hindi pa ba ok yon ha?! At bakit kailangan mo pang tadyakan? Wag mong sabihing nasaktan ka ng sobra?!" balik kong tanong dito habang nakapameywang ako. Humakbang ito papalapit sa akin at dinuro ako, "Alam mo ba na bawal tumakbo dito sa sidewalk?! Pwede kitang i-reklamo sa ginawa mo!" "Alam mo din ba na fifteen minutes lang ang lunch break namin? Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan namin, hindi ka kaya magkandarapa sa pagtakbo para hindi ma-late sa klase?" galit kong tanong dito sabay tampal sa daliri nitong nakaduro sa pagmumukha ko. "Aba't..." "Tsaka ano bang ginagawa ng Feng dito sa tapat ng Almorica Compound ng ganitong oras ha? Ang layo naman ng pasyalan nyo! Kaya siguro binawasan ang oras namin sa pagkain para dagdagan ang oras ninyo sa pag-uuli! Baka ikaw ang ireklamo ko sa p*******t!" banta ko dito. "Talaga? Sige gawin mo! Wala ka namang ebidensya at walang mag seseryoso sa reklamo ng mga Almorican na tulad mo!" sagot nito sabay tawa. Lumakad ako papalapit sa isang cactus sa gilid ng desyerto namin at kumaway sa Feng, "Say hi to the cctv! Oh wait ayon pa oh! At yun, tsaka yung nasa paa mo!" sabi ko sabay turo sa mga nakatagong camera sa buhangin, poste at upuan. Maliliit ang mga ito at hindi mapapansin ng mga hindi taga Almorica. Every week ay nililipat ng pwesto ang mga ito para hindi matandaan ng mga hinti taga sa amin. Dahil nga sa lagi kaming nabubully eh, dito na lang ang isa sa mga bagay na pwedeng mag-protekta sa amin kahit kaunti. "Three hundred sixty degrees visual and audio perimeter yan. Hindi porket kami ang pinakamababang class eh wala na kaming ganyan. So, kung di ka na iimik at di na babalik dito ay hindi na ako magpapadala ng reklamo sa prefect of discipline." Hindi na ito nakasagot at inakit na ang dalawa pang kasama paalis. Natuwa naman ako sa sarili ko. Nagtagumpay na naman ang kabutihan laban sa kasamaan. Isipin nyo naman ba na bata, tinadyakan sa dibdib? Kung di ba naman nakakapang-init ng ulo! Masaya akong bumalik sa aming building pero sa halip na mga nakangiting ka factions ang sumalubong sa akin, mga galit na tingin at inis na pakiramdam ang naabutan ko. Lumapit ang isang fourth year sa akin. "Nakita namin ang ginawa mo! Ngayon, lalo na kaming pag-iinitan ng mga higher factions! Kung hindi ka ba naman kasi pakialamera!" sigaw nito sa akin. "Paano naman kami? Hindi mo ba naisip na mahihirapan kami lalo sa ginagawa mo?!" angil ng isang college student. Gigil ding sumigaw sa akin ang isa kong kaklase, "Feeling mo naman super hero ka sa mga bata? Feeling important?!" "Pasikat ka lang naman! Pakiramdam mo naman lahat ng naapi maililigtas mo!" "Gaga! Hirap na nga kami sa buhay namin dito, dagdag pasakit ka pa!" "Pwede ba itigil-tigil mo na ang pagiging pakialamera mo? Maawa ka naman sa amin!" Nagsi-alisan na ang mga ka faction ko at ako na lang ang natira sa lobby. Akala ko mapupuri ako dahil niligtas ko yung bata. Akala ko ang pag-gawa ng tama ay mabuti at ikakatuwa ng lahat? Bakit ganito? Bakit puro na lang ba sila? Gusto ba nilang iwan ko na lang yung bata na nabubugbog? Dahil lang ba sa mahihirapan sila pag tinulungan ko yung bata? Mali nga ba siguro ako? -0- "Hello, tay." "Oh, anak napatawag ka? Anong problema mo?" "Ikaw..." "Naku anak, kahit ako namromroblema sa sarili ko. Ano nga bang naisipan ko at ipinasok kita diyan?" "Naku, tay, hindi! Salamat nga sa iyo nakaka-experience akong pumasok sa school ng mayayaman, natututo akong mabuhay ng solo..." "Pasensya na anak, kung mas mayaman lang sana si tatay sana hindi ka nasa pinaka-ibabang class..." Kinagat ko ang labi ko at pinigil ang aking pag-iyak. Alam kong hindi makakatulog si tay sa kakaisip pag nalaman nung naiyak ako. "Ok lang tay. Sakto lang naman tayo. Humbling nga yung experience dito. Akala ko ang yaman-yaman na natin, yun pala hampas-lupa pa tayo kumpara sa iba! Hahaha...." pilit kong tawa pero nagaralgal na ang boses ko... sana isipin nyang mahina lang ang signal dito. "Oo nga. Noong una kong punta dyan, mukha akong pulubi kumpara sa ibang parents sa orientation... pero, bakit ka napatawag? Kulang ba ang allowance mo?" "Sobra pa nga tay. Nakatipid ako ng malaki nang mag-grocery ako ng mumurahing gamit sa megamall. Sobra-sobra pa ito. Alam mo naman ako, matipid gaya mo." "Mabuti... so, bakit ka nga ba napatawag?" "Ahmm... wala lang tay. Namimiss lang kita..." Totoo naman. Sa tuwing masama ang loob ko, hindi na kailangang magsumbong, yayakapin ko lang si tatay ok na ako. Yung pakiramdam na kahit anong mangyari, kahit anong gawin ko mamahalin pa rin niya ako, na nandun lang siya lagi sa likod ko, nag-aabang na balikan ko. "Miss na din kita anak. Alam kong mahirap ang pag-aaral dyan. Kakaiba mga subjects at mahihirap pakisamahan ang mga ka faction mo." "Paano mo naman nalaman?" "Diba three days orientation nga ang sa mga parents? Nakita ko yung curriculum ninyo at ang hirap sakyan ang mga magulang ng mga ka faction mo. It's all about them, them, them. Puro pakabig, walang patulak. Ako, ako, ako. Walang pakialam sa ibang bata basta anak ko, anak ko, anak ko... Lalo na yung mga parents sa ibang factions... parang ibang hangin ang hinihinga. Parang hindi natae o nautot o nangungulangot! Muntik ko na ngang itaas ang dalawa kong mga kamay at sumigaw ng ALIEN!" Tumulo na nga ang pinipigil kong luha at napatawa na ako ng malakas. Bakit ba ang daldal ng tatay ko?! Ako itong may problema pero siya ang madaming nasabi... Pero... "Tay..." "Oh?" "Salamat." "Wala kang dapat ipagpasalamat, kasama sa job description yan ng pagiging tatay." Napatawa naman ako ng mahina. "Oh, paano ba anak? Kayanin mo lang diyan ha? Lutang pa naman ako. Halos eighty percent ng kinikita natin eh sa pag-aaral mo napupunta. Medyo nadalas na ang short natin at nasa red na tayo palagi dito sa gasolinahan pero kaya naman. Basta pagbutihin mo dyan. Kung nagsasakripisyo man ako dito, alam na alam ko naman na mas malaki ang sakripisyo mo dyan sa Versalia. Wag susuko ha? Iiyak mo lang yan, bukas wala na yan." Alam siguro ng mga magulang kung ano ang kalagayan ng mga anak nila kahit napakalayo sa kanila at hindi nakikita, "Haha. Tapos na. Sige tay, good night" "Good night anak. Ingat at magdasal lagi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD