Chapter 4

2118 Words
"Oh bakit? May kailangan ba kayo sa akin?" magiliw kong tanong sa dalawang babaeng grade four students ng Almorica na humarang sa dadaanan ko papuntang classroom. Ngumiti ng matamis ang dalawa sa akin at inakay ako papunta sa lobby sa tapat ng screen kung saan nalabas ang mga announcements at mga balitang pang university araw-araw. "Look. You are on the headlines!" turo ng isa sa mga ito. Nagulat naman ako ng makita ko ang paulit-ulit na nagpe-play na clips ng videos ng nakaraang Welcoming Party. Ang mga eksena na sinangga ko ang nalipad na cake, ang pagtulong ko sa mga naiyak kong ka faction at ang pag-ilag ko sa flying saucer. "Annual Initiation ng Second Class Zymeth Faction: BUSTED! Isang first year high school na babae mula sa Eight Class Almorica Faction na nagpakilalang si Apollinaire Rabina, transferee student at nag-iisang anak ng may-ari ng chain of gasoline stations ang bigla na lamang nagpatigil sa ginagawang initiation ng Zymeth Faction. Sa kauna-unahang pagkakataon ay prinotektahan ng isang Almorican ang kanyang ka faction sa isang nakagisnang unfair initiation rights na naglalayong magpahirap sa mga taga Eight Class every start of the school year. Mas napahiya si Roselle Fuentes, anak ni Former Senator Amado Fuentes ng makailag ang Almorican sa ibinato nitong platter habang naglalakad palayo. As a reporter, I can predict that this is only the start of something exciting this school year, almost on the same level with the coming campaign and election period and of course, the eighteenth birthday of the Chief High Councilor. –Correspondent Alyssa Mari Maranan, Second Class Zymeth Faction-" Naku. Ganito pala kabilis ang balita dito at talagang pino-post talaga. Pero kahit anong hanap ko ay hindi ko maramdaman sa sarili ko na nagsisisi ako sa ginawa kong pagtulong. I think napahiya ako at tyak na galit sa akin ang buong Zymeth Faction. Baka nga hindi lang sa akin, baka pagdiskitahan din nila ang mga ka factions ko! Bakit ba hindi ko muna naisip ang magiging consequences ng actions ko bago ko ginawa yun?! Pero kung hindi ko naman tinulungan yung tatlo, para na ring ako mismo ang nam-bully sa kanila! "Are you sad?" tanong bigla ng batang babae sa kaliwa ko. Nandito pa pala ang dalawang bata na nagdala sa akin dito. Umiling naman agad ako at pilit ngumiti, "Ah hindi naman. Nagulat lang." As in gulat na gulat... "You should be happy. You're like a hero now! Me and Ara wants to be like you when we grow up!" masayang sabi nito sa akin. "Huh?!" "Oh... Lorelei, we should go now. Magagalit si teacher pag na-late tayo. See you ate! We will wait for your next mission!" magiliw na sabi ng isa sabay hatak kay Lorelei na kumaway naman sa kanya at tumakbong umalis ang dalawa habang magkahawak kamay. Mission? Kim Possible? "Ay ang cute naman nila!" biglang sabi ng isang babae na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Napairit ako ng wala sa oras at dali-daling hinarap ang inaasahan kong multo. Pero si Hazel lang naman pala iyon. Mukhang pawis na pawis ito at may kaunting sunburn. "Hazel! Ginulat mo naman ako! Akala ko si Jasmine ka!" galit na sabi ko dito habang sapo ang aking dibdib. "Jasmine who?" takang tanong nito. "Yung white lady na nangmumulto dito sa hallway pag solo ka..." Napatawa naman ito ng malakas sabay kuha sa violet nitong armband na nakatali sa kaliwa nitong braso at walang kaabog-abog na pinunas sa nagpapawis nitong katawan. "Ang tanda mo na Polli naniniwala ka pa sa multo! Well, nandito ako para ibigay sa iyo ito" inabot nito sa akin ang isang scented invitation card na kulay black na may red wolf sa gitna. Dear Apollinaire, You are cordially invited to attend my debut party next month, October 20 Friday, Eight o' Clock in the evening @the Fenrir Palace Hall in evening gown attire. You will be one of my eighteen gifts as well. Failure to attend will result to severe punishment and sanctions. Sherri Esmeralda First Class Fenrir Faction Representative Councilor Chief Councilor of the High Council of Versalia University "Severe punishment and sanctions?" takot na tanong ko kay Hazel na itinatali ulit ang basang-basang armband sa braso nito. "Kaya nga kung ako sa'yo aatend ako. Kahit pa bababa na sya bilang Chief Councilor, Fenrir parin sya at malakas ang impluwensya nya sa school. Siguro naman naman nakita mo kung paano magkagulo ang mga estudyante sa paghahanap ng maiinom nyang tubig diba?" Naalala ko na parang may sumabog na rebulusyon ng mauhaw si Sherri. Parang may masasawi pag hindi nila naibigay ang hiling nito. Bigla akong kinilabutan ng maala ko ulit ang mga katagang severe punishment and sanctions. "So... aatend ka o aatend ka?" masayang tanong ni Hazel na naghahanda nang lumabas ng building. "Do I really have a choice?" desperadang tanong ko dito na itinulak na ang glass door. Umiling ito at dali-dali nang tumakbo sa gitna ng bakuran naming desyerto. -0- Lumipas ang dalawang linggo at sa awa ng Diyos ay wala namang nangyaring kakaiba. Well, maliban sa nakasalubong ko minsan si Jasmine sa corridor at muntik na sumabog ang ihi ko sa takot, eh wala naman so far. Kung meron mang nagbago, ay yun ang pakikitungo sa akin ng mga ka faction ko. Parang hiyang-hiya lagi sila sa akin, lalo na sila Neil at Kaitlyn na madalang na akong kausapin unless absolutely necessary. Magiging malungkot na sana ang ang aking buhay high school kung hindi nga lang sa mga elementary students na lagi akong binabati at kinakausap. Ang sarap ng feeling na may nakatingala sa iyong mga maliliit na bata na nagniningning ang mga mata habang kausap ka. Wala naman akong problema sa grades ko, B minus ako sa math pero sa iba ay B at may iilang A minus. Hindi naman ako matalino. Tama lang ba. Kung ang dahilan siguro ng pagpasok ko dito ay scholarship ay matagal na akong napa-alis. Kakaunti lang ang clubs na pwedeng salihan ng mga Almoricans. Gawa daw ng mga unfair bans ng mga higher factions. Book, Science, Cooking at Health clubs lang ang available sa amin. Ang lahat ng klase ng sports simula basketball hanggang equestrian ay ginawang exclusive only for higher factions. Problema din ito ng Vasque at Rayse pero at least yung mga sports na equestrian, hockey, rugby, equestrian, golf etc. lang ang hindi pwede sa kanila at ang mga regular sports ay open na. Unlike us, banned lahat. Hindi lang sa sports. Pati ang ibang high-end na clubs bawal na din sa amin. Musical, Artist, Photography, Computer, Visual, Theather at kung ano-ano pang medyo may kamahalan ay bawal na din. Ang hindi ko lang ma-gets ay bakit uso pa rin ang pag-gugupit ng damit ng ex-bf mo pag nag-break na kayo? With feelings and matching tears pa... "HINDI PWEDENG MALAMAN NI RUPERT!" sigaw ni ate. "SABIHIN MO SA AKIN ANG TOTOO!" tanong ni nanay. Humarap si ate kay nanay at parang baliw na sinabing, "PAG NALAMAN MO ANG TOTOO PARE-PAREHO TAYONG MAMAMATAY!" sabay walk-out at naiwan si nanay na nakatingin sa kawalan. Patay agad? Di ba pwedeng makukulong muna? Nakakatuwa sigurong mag-dub ng mga imported na palabas. Nawala ang pag-iisip ko sa problema ko sa clubs namin ng napanuod ko ang isang koreanovela sa t.v. Ganito kakalat ang isip ko pag wala akong ginagawang mahalaga. Minsan malayo ang isip, minsan mababaw, minsan tamang t.v lang. Humanap na kaya ako ng lalake? May ganun? Dahil bored lang, lalaki ang solusyon? Para akong baliw na mag-isang napapangiti sa sarili ko habang nakaupo sa sofa na nakaharap sa flat screen t.v. Thursday ngayon at campaign day para sa mga kakandidatong bagong opisyal ng bawat factions. Rest day naman para sa aming mga Almoricans na matagal nang hindi nag-sasagawa ng botohan. Teacher na lang ang namimili sa amin based sa grades at performance total kakaunti lang naman ang population namin. Pero yung ibang factions ay magagarbo at bonggang bongga ang pangangampanya. Parang national elections ang dating. May t-shirt, placards, give-aways bawlers at kung ano-ano pang election parapernahlias. Wala nga lang mga posters at ung kung ano-ano pang dinidikit sa pader. Bakit mo nga ba kailangan pa yun eh kung halos bawat sulok ng university ay may electric billboards at monitors? Minabuti kong patayin na ang t.v at lumabas ng bahay. Eleven pa lang ng umaga at wala na agad akong magawa. Tapos na ang mga labahin ko at impis na rin ang bahay. Katamad mag-internet at wala akong makausap dito. "Ate Polli!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isang bata na nakaway sa akin sa loob ng isang Starex Gold na tumigil sa tapat ng bahay. Si Ara pala, kasama ata yung nanay na nakangiti din sa akin. "Oh Ara. Kamusta naman? Paalis kayo?" "Oo ate. Teka hindi mo pa ba alam?" takang tanong nito. "Ang alin?" "Wala na daw pasok bukas dahil humingi ng rest day yung ibang factions pagkatapos nang campaign period nila. Kaya uuwi muna kami ni Mommy sa Alabang para sa long weekend!" masayang sagot ng bata sa akin sabay yakap sa ina. Kumaway naman ako at tumango, "Salamat at nasabi mo sa akin Ara. Enjoy kayo! Sige po. Ingat!" Nag ba-bye din ang mag-ina at umalis na ang sasakyan nila. Madami din akong nakitang ilang sasakyan na palabas ng Burrows. Mukhang mga magsisi-luwasan din ang mga ito. Napaisip naman ako. Pumunta kaya ako ng Maynila para mamili ng mga gamit ko sa bahay at sa sarili. Nang pumasyal kasi ako last week sa shopping district ng Versalia ay halos hindi na nawala ang puti ng mga mata ko sa kakatarak ng mga ito sa tuwing mga mamahaling bilihin ang makikita ko. Wala man lang safeguard, rejoice, close-up at yung mga normal na bilihin. Puro mga victoria's secret at kung ano-ano pang mga hindi ko kilalang tatak ang naka-display at ang mamahal pa. Isang sabon ay kasing mahal ng isang cell phone! Buti nakakahingi ako dun sa mga bus mates ko pero alam kong hindi pwedeng sa kanila na lang lagi akong umasa. Dapat mamili din ako para di na maka-abala pa. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Mag-oovernight na din ako sa Maynila para maka pamasyal din ng konti. Two birds in one stone! -0- Heto ako... basang basa sa ulan, joke. Wish ko lang. Saksakan ng init habang naglalakad ako papuntang Megamall sa Mandaluyong. Buti na lang naisasama ako ni tatay dito pag namamasyal kami. Medyo memoryado ko na ang daan kaya carry lang ang paglalakad ng may kalayuan. Napatigil ako sa nakita kong tarpaulin bago ako pumasok ng mall. "Meet and Greet Curt of Bench Teen and Philippine Olympic Swimmer's Team. One p.m at the Mall Event Center..." tahimik kong binabasa ang nakasulat habang hindi ko maalis ang mga mata ko sa picture ng lalaking half-naked na life size sa tabi ng tarpaulin. Ang ganda sobra ng katawan para sa lalaking halos kasing edad ko lang. Ang mukha ay maamo pero merong pagka-elite ang effect. Tan ang kulay ng balat, kaka-swimming siguro. Halos kasing-tangkad ko na siya, mas matangkad lang kauntian. Perfect set of white teeth at ang lalim ng dalawang dimples. Ikiniling ko ang ulo ko pakanan at inilabas ang aking ilalim na labi. "Oo, gwapo ka nga, mukhang mayaman... pero hmm.... well, hindi lang kita siguro type... AY ARAY!" napasigaw ako ng ipagtulakan ako ng isang babae. "Alis dyan gaga. Dinudumihan ng presensya mo ang larawan ni Papa Curt!" eksaheradang angil nito sa akin nang mapaupo ako sa semento sa lakas ng balya nito. Hindi na ako naka-sagot dahil wala pang five seconds ay sumugod na ata ang buong fan club nito at parang mga nakakita ng tunay na himala sa lupa nang sabay nagsi-iritan habang nag-uunahan sa pagpapa-picture sa life size photo nito. "Nagpapa-picture ka kasama ang picture... Now I've seen it all" sambit ko na lang habang pinapagpagan ko ang aking puwet na nadumihan sa pagkakaupo ko. "Kung ganyan na ang reaction nila sa picture pa lang, mas mamamangha ka sa kanilang reaction pag nakita na nila yung nasa picture in person, trust me" sabi ng babaeng may dslr na nakasabit sa leeg nito na kakadating lang at nakinig ata ang sinabi ko. Naka tsinelas lang si ate, short shorts, loose blouse at shades. Parang regular mall-goer lang. Tumaas naman ang kilay ko, "NOW I'm curious..." "I suggest that you go to the event center later. You will be AMAZED at what you will see. These girls' reactions here are tame compared to the scenario later. I think you'll enjoy yourself" nakangiting suggest nito sa akin sabay talikod at deretso pasok sa mall. Napaisip naman ako at napatingin sa cell phone ko. Eleven pa lang naman. Mag grogrocery muna ako then tsaka ako pupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD