"That will be all for today. Don't forget to submit your assignments tomorrow. No late papers will be allowed."
"Yes sir" malakas kong sagot mula sa upuan ko.
Napalingon ang teacher ko. Malamang nagulat dahil may sumagot sa sinabi nya. Lagi na lang ba ganito. Sa lahat halos ng mga subjects na napasukan ganito na lang ang reaction sa akin ng mga teachers ko. Well hindi ko sila masisisi. Kung ikaw ba naman ang nagkaklase sa isang classroom na pang fourty na bata tapos ang students mo lang ay dalawampu, mga tamad pa at nakatunganga lang ay magugulat ka talaga kung merong biglang sumulpot na active sa klase mo.
Sa totoo lang, hindi ito ang ine-expect kong school life halos isang linggo pagkatapos kong makatapak sa Versalia University. Expected ko na sa mga kaklase ko ang mga sossy, sexy, gwapo, mahahangin, mayayabang at maiingay. Pero kabaligtaran naabutan ko. Mga simple, tahimik, lagi nakatungo at mga mababait naman sila. Talagang sobrang tipid lang sa pagsasalita.
Ako lang ang transfer student at lahat na sila ay sa Versalia University na nag-aral mula kindergarten hanggang ngayon kaya expected ko na kaugali nila yung mga nakasakay ko sa bus nung unang araw kong punta ko dito. Hindi lang sila, halos lahat din ng mga estudyante sa Eight Class Almorica Faction. Mula kinder hanggang college, mga tahimik at laging mga nakatungo pag naglalakad sa hallway suot-suot ang standard uniform, isang armband na kulay cream na nakatali sa kaliwang bisig at pin ng maroon na scorpion sa kanang dibdib.
Hindi pala magkakasama sa isang compound sa loob ng university ang mga estudyante. Hiwahiwalay sila depende kung saang faction ka kabilang. Apat pa lang ang nakikita ko. Ang Fenrir na nasa gitna ng isang aftificial na lawa na mukhang mini-castle na may moat pa at drawbridge. Ang Chinese pagoda building ng mga Feng at ang building ng mga Vasque na nagsisilbing mini-sea observatory ng university.
Syempre, papahuli ba naman ang faction ko? Isang simpleng Arabian inspired building sa gitna ng artificial mini-dessert na may oasis sa harap mismo ng building ng Almorica na napapalibutan ng totoong mga cactus. Nakinig kong usapan ng mga college students na ka-faction ko na effective defense daw yung desyerto namin. Walang makadayong mga basagulerong taga ibang faction dahil hindi sanay sa init na inilalabas ng buhangin lalo na kung maiinit ang panahon at may-araw.
Well for me hindi lang yun ang dahilan. Bakit ba sila mag-aabalang pumunta dito eh maliban sa desyerto ay wala naman talagang point na pumunta dito. Kakaunti lang ang nakaka-appreciate ng desyerto namin at medyo... ok., BORING ang aming building kung saan napasok ang mangilan-ngilang estudyante mula pre-school hanggang college na Almoricans.
Five percent out of five thousand students ang population namin or more less two hundred fifty.
One hundred twenty six elementary students kasama na ang pre-schoolers, fifty eight na high school students at sixty six college students ang laman ng aming aalog-alog na building na may capacity ng one thousand.
Sabi nung napagtanungan ko dito, dati daw, mga six years ago, lagpas one thousand ang mga estudyante ng Almorica. Kaso mga nagsilipatan na. Yung iba na promote sa mataas na faction at karamihan ay mga nag-drop na dahil sa unfair na mga batas ng pitong factions na lagi na lang pabor sa kanila at ang nagigipit ay yung sa amin para mapagbigyan ang mga kapritso nila.
"Kung ako sa'yo, bibilisan ko ang lakad at kakain na agad ako. Nabawasan na naman ang ating break time period" biglang sabi sa akin ni Neil, seatmate ko.
"Nabawasan?"
Inakit nya ako palabas ng room namin at dinala sa isang dambuhalang touch flat screen monitor sa lobby ng aming building at itinuro ang nakasulat na announcement sa gilid ng screen.
Malakas kong binasa ito para sa mga batang maliliit from lower years dahil hindi nila masyadong makita.
"Announcement to the Eight Class Almorica Faction Students, due to the passing of High Council Decree Number 218, the duration of your break time will be reduced by fifteen minutes to accommodate the increasing needs of the other factions to cope up with their studies. We thank you for your kind support. Signed by the High Councilors with the approval of Chief Councilor Sherri Esmeralda, effective immediately..."
"So Kyle, we only have what?" tanong ng babaeng grade three student sa kaklaseng lalake na nakatayo malapit dito na nagsimulang magbilang sa kamay.
"Ahhmmm... thrity minus fifteen equals... Fifteen... Fifteen minutes na lang ang ating break time Mimi. Tara, takbo na tayo... malayo pa yung cafeteria ng mga Vasque!" akit nito sa kaklase na tumango naman at dali-daling nagpulasan hindi lamang ang dalawa kundi pati na rin ang ibang students from other levels.
Nanlaki ang mata ko sa gulat at hinarap si Neil, "Hindi ganoon ang expected kong reaction ng factionmates natin..."
"Well, what do you expect Polli? Magalit kami at magreklamo?" tanong bigla ni Kaitlyn, ang high school council president na nakilala ko sa orientation na may kasamang ibang mga kaklase nito na binabasa din ang announcement.
"Hindi ba iyon ang normal na reaction pag may hindi makatarungang nagagawa sa iyo?"
Sa gulat ko ay nagtawanan ang mga ito at mga nagsi-iliangan. Pati si Neil ay malungkot na ngumiti sa akin.
"Bakit pa kami magpapakapagod gawin yun eh wala din namang mangyayari. Believe me Polli sa labindalawang taon kong pagiging Almorican, ang dami na naming nag-try na gawing pantas ang trato sa amin kahit kahulihan kami sa estado. Pero wala din namang nangyayari. Worse, lalo kaming papahirapan pag mag rereklamo kami. Kaya natuto kaming mag-adapt at mag-adjust para maka-survive dito sa school na ito" paliwanag ni Kaitlyn na malungkot na tinititigan ang mga batang nagmamadali sa pag-labas ng building para lang makahabol sa breaktime.
"Merong ibang swerte na nakakalipat ng ibang factions pag umasenso ang negosyo ng mga magulang. Pero karamihan, after half a school year or earlier mga nag drodrop-out na sa hirap. Sa Ateneo, La Salle, Adamson, FEU at kung ano-ano pang school sa Manila na lang daw sila, at least pantay-pantay daw ng trato kahit mas mababa ang education level nila doon at mas priority ang university natin over theirs. I can't blame them. Kung hindi nga lang talaga siguradong maganda ang future mo dito at may makikilala kang makakasosyo mo sa negosyo o magkakaroon ka ng magagandang connections eh hindi rin ako magtitiis dito para sa mga magulang ko" sabi naman ni Neil.
Napaisip naman ako. Siguro yun yung dahilan ni tatay kung bakit nya ako pinilit makapasok dito sa Versalia University. Para makatulong sa future ko at magkaroon kami ng business partners. Nung ma-contact ko si tatay sa text, sabi nya sorry at niloko daw niya ako at ginawa lang daw niya iyon para sa akin. Hindi ko naman magawang magalit ng matagal kay tatay na alam kong naghikahos at nagpakahirap ng ilang buwan maiayos lang ang pag-transfer ko dito.
"Well, at any rate Polli, welcome to our faction. Mahirap ang buhay dito, pero let's look at it at a positive light. Natututo tayong mag-tiis at maging matatag diba? Sige una na kami ng makapag-lunch kahit kaunti" paalam ni Kaitlyn sa amin ni Neil.
"Pasensya ka na Polli at ganito na ang mentality namin. Try to understand us na lang. Sa tagal namin dito at walang pagbabago, sumuko na lang kami sa halip na mas lalong mahirapan" paumanhin ni Neil sabay tapik sa aking balikat at sumunod na rin kila Kaitlyn habang naiwan naman akong malungkot at napapailing.
-0-
"Manong driver sige na! Pasakayin mo na ako. Hindi naman ako magpapahatid sa loob ng Burrows. Kahit sa gate lang! Please?" pagmamakaawa ko sa driver ng isang coaster bus na para sa mga empleyado ng Versalia University.
"Mang Bert payagan mo na. Wala namang nakasulat sa batas ng V.U na bawal makisakay ang estudyante sa ating bus. Tsaka maluwag naman."
"Oo nga. Don't worry Mang Bert ka-close ko ang boss mo, hindi ka mapapaano."
Bumigay na din ang driver at tumango.
"Thank you po!" pasalamat ko sa mga empleyadong nag-vouch sa akin.
Nagngitian naman ang mga ito at tumango.
Hindi ko na suot ang armband at badge ko kaya hindi na nila alam kung saan akong faction kabilang.
Pero mukhang may nakahalata parin, "Almorican ka ano?" tanong ng isang empleyada na base sa suot ay isang kitchen staff.
"Oo. Paano mo nalaman ate?" takang tanong ko sa kanya.
"Mabait ka kasi."
Nagtawanan ang ibang pasahero pati ang driver.
"Eh?"
"Meron din namang mababait na galing sa ibang factions pero Almoricans talaga ang merong pinakamaraming humble. Parang kayo ang pinaka-malapit sa aming mga normal na tao lang."
Napatawa naman ako, "Bakit, mukha ba kaming abnormal?"
Nagtawanan ulit sila at sumagot naman si ate, "Yung nasa ibang factions oo."
"Abnormal kamo ang ugali" sabat naman ng isang lalake.
"Pero ikaw ang pinaka-madaldal sa mga ka factions mo, no offense."
Tumango naman ako, "Pansin ko nga."
Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang bus sa harap ng entrance ng isang exclusive-looking village na merong dalawang malalaking maroon scorpion emblem sa gate at cream na kulay ng mataas na pader. Dito ako nakatira, sa Burrows, ang village na para sa mga estudyante ng Almorica.
Lumapit ako sa driver a.k.a Mang Bert at nagmakaawa ditong daanan din ako nito araw-araw.
"Aba ineng, dadaanan kita ng mga six thirty ng umaga, ok lang ba?"
"Ok na ok po! Salamat po ha? See you tomorrow!" paalam ko sa driver at sa mga pasahero na nakagaanang loob ko na.
Dumaan muna ako sa guard house kung saan kinuha ko ang aking bike na binili ni tatay para maging mode of transportation ko dito sa village. Medyo malayo sa entrance ang bahay na nirerentahan ko kaya mabuti narin at may bike ako na iniiwan ko sa guard tuwing umaga.
Parang isang exclusive village ang Burrows. Magaganda ang mga bahay at sa halip na mga puno, ay mga cactus ang kadalasang nakatanim sa sidewalks. Pero napapailing na lang ako pag iniisip kong pinakapangit pa itong Burrows kung ikukumpara sa ibang factions. Pero ang peaceful naman ng environment dito. Nadaanan ko si Kaitlyn na nakaupo sa harap ng bahay nito at nagbabasa ng libro samantalang nagdidilig naman ng halaman si Neil sa rooftop garden nito. Ang iba ko namang ka factions ay mga nagba-bike din o di kaya ay makikita mong nagkwekwentuhan habang nakaupo sa gutter.
Normal na village life kumbaga. Magkakadikit ang mga bahay na firewalls lang ang pagitan. Pero merong isang kakaibang bahay dito sa Burrows na dinadaanan ko tuwing hapon. Ang "Antares".
Sobrang kakaiba ito sa mga bahay dahil nasa loob ng isang man-made na burol ang katawan ng bahay na pahaba. Sabi sa brochure, kung titingnan mo ang aerial view ng Antares ay makikita mo na korteng alakdan ang bahay na nagtatago sa kweba na nasa gitna ng Burrows.
Kulay maroon ang kulay ng bahay na may cream outlines. Semento ang bubong nito at walang gamit na yero. Napapalibutan ito ng mababang bakod na kulay cream at mukhang walang nakatira dito sa kasalukuyan.
Sabi ng brochure, symbol daw ng Almorica ang Antares...
-0-
"Ok lang sa akin yun" nakangiti kong sabi kay Kaitlyn ng ipaalam nya sa akin na hindi na nagsasagawa ng Acquaintance Party ang Almorica since bumaba ang population ng mga students at transferees.
Hindi din naman ako komportable sa mga parties at kasiyahan. Mas gusto ko pang mamaluktot sa kama habang naglalaro ng P.S Vita kesa umattend sa isang event.
"Pasensya ka na ha? Napag-isipan namin na sa Welcoming Party instead na lang dadalo ang Almorica bukas, Friday ng gabi, about half past eight sa V.U Event Hall"
"Huh? Required bang umattend doon?"
Ngumiti ng malungkot ang aking kausap na nagkumpirma sa aking hinala, "Sadly, oo. Pero don't worry mga after an hour ay automatic nang nagsisi-alisan tayong mga Almoricans."
"Bakit naman?"
"You'll see for yourself tomorrow Polli. You'll see..."
Parang kinilabutan naman ako sa desperadang ngiti ni Kaitlyn.
-0-
"Haaay... Nakaka-antok..." sabi ko sabay hikab at takip sa bibig ko na nakabuka.
Thirty minutes after the party pa lang ay nabagsak na ang mata ko. Hindi ko alam ba kung paano na-eenjoy ng iba kong schoolmates ang ganitong ka-boring na party? Sayawan sa gitna, payabangang at pamahalan ng mga suot na damit sa gilid. Merong mangilan-ngilang mga nagkwekwentuhan tungkol sa mga businesses sa gilid samantalang ang iba ay nagpi-picture taking.
If this is their description of a "party", then let me suggest na humanap sila ng ibang encyclopedia. Yung medyo updated.
Pero biglang nawala ang antok ko ng makita kong pinapaligiran ng isang malaking grupo ng estudyante ang tatlo kong babaeng ka-factions. Hindi ko sila ka-close pero sa unti namin at dalas na nakakasalubong ko sila ay tanda ko ang mga mukha nila. Dahil na rin din siguro sa cream na armband na nakatali sa kaliwang braso nila at sa scorpion badge sa kanilang kanang dibdib.
"Akala ko ba na this school year ay isasarado na ang Almorica?" tanong ng isang babaeng halos kasing tanda ko siguro. Sexy ito at halatang may kaya talaga sa buhay dahil parang syang walking display ng Cebuana Lhuiller.
Hindi makasagot ang kawawang tatlo at hindi rin makaalis dahil walang malusutan dahil napapalibutan ng mga nanonood na estudyante na nag vivideo at nag pipicture. Parang annual attraction na nila ito.
"Mukhang gutom na ata kayo. Diba kaya lang kayo umaatend nitong party ay para makakain? Fifteen minutes na lang ang break nyo tapos isinusuka pa kayo ng Vasque dahil pampawala daw kayo ng gana sa cafeteria nila!"
Nilingon ko ang mga ka faction ko sa aking likod. Mga nakatungo ang mga ito at parang walang balak tumulong.
"Tatayo na lang ba kayo dyan?" angil ko sa mahigit dalawampung Almoricans sa harap ko, "Ikaw Kaitlyn? Diba High School Council President ka? Bakit hindi mo sila patigilin sa ginagawa nila?"
Sa halip na sagutin ako ay nagsi-pulasan ang sampu sa mga ito palabas ng pinto kasabay ng iba ko pang ka faction.
"Titingin na lang ba kayo sa ibang direction? Neil? Class President ka diba? Kayong mga lalake?" para akong nakikipag-usap sa mga bingi at tuod.
Sa galit ko ay ako na mismo ang sumugod doon at nakarating ako in time para salagin gamit ang aking kamay ang nalipad na cake na binato ng babae sa tatlong kawawang Almoricans.
Mga nag-singhapan ang mga nanunuod ng bumagsak sa sahig ang chocolate cake. Hindi ko pinansin ang mga nakatutok na digi-cam at cell phone sa akin.
"Tahan na, tahan na. Wag na kayong umiyak" alo ko sa mga ito habang hinahawi ko ang mga tao para makadaan kami, "Umuwi na agad kayo. Bilisan nyo ang kilos at wag babagal-bagal."
Tumango naman ang mga ito at tahimik na nagpasalamat sabay takbo sa mga nag-aabang na kaibigan sa labas ng pinto. Kung kaibigan pa ngang matuturing ang mga taong pinabayaan ka sa oras ng pangangailangan.
"Who the hell are you?!" mataray na tanong ng babaeng nag-tapon ng cake.
Inayos ko ang tayo ko at itinaas ang aking kilay, "Apollinaire Rabina, Eight Class Almorica Faction, First Year, bakit?"
"Ako lang naman si Roselle Fuentes, Second Class Zymeth Faction, Second Year. Hindi mo ba ako nakikilala?" buong pagmamalaki nitong tanong.
Umiling ako, "Hindi"
Hindi ko na hinintay na sumagot ito. Instead ay tumalikod ako at nag walk-out. Kailangang i-preserve ko ang moment na ito sa memorya ko. Ang moment na nagaya ko ang eksena sa paborito kong telenovela.
Pero buti na lang at isinapuso ko ang turo ni tatay na "always expect the worst case scenario" kaya pasimple akong tumitig sa salamin sa kisame para makita kung ano ang ginagawa ni Roselle. And lo and behold, gaya ng mga nakikita nyo sa telenovela at pelikulang Pilipino, kumuha ito ng isang plate ng kung anong ulam at ibinato sa likod ko.
Syempre nakailag ako agad bago pa man ako tamaan. Nabasag ang pinggan sa sahig kung saan ako nakapwesto ilang segundo lang ang nakakalipas. Hindi na ako tumigil sa paglalakad. Bagkos ay mabilis akong lumabas ng pesteng hall na iyon dahil nararamdaman kong malaking platter naman ang kasunod na ibabato sa akin.
Mahirap nang iwasan iyon mga teh!
<