"Hey Polli, wake up dear, we're here!"
Pagmulat ko ng aking mga mata ay tumingin agad ako sa bintana. Sa gulat ko ay kumurap-kurap at kinusot ko pa ang ang aking mga mata para masigursadong totoo nga ang nakikita ko.
Makakapal na mga pader na halos anim na palapag ata ang taas at isang dambuhalang gate ang nakita kong dahan-dahang nabukas para papasukin ang bus namin. May initials na V.U ang mga ito at kulay ginto. Sa kabilang lane naman ay nakita kong labas masok ang mga magagarang sasakyan habang tuloy-tuloy naman ang lakad ng mga empleyado palabas ng gate pasakay ng mga coaster bus na naghihintay sa isang sulok na may nakasulat na "Versalia Service Bus" sa tagiliran ng mga ito.
"Guys dito muna daw tayo. Hihintayin pa daw natin yung ibang bus" announce ng isang babae sa unahan namin.
Tumayo naman bigla si Hazel, si pretty girl at hinatak ako pababa ng bus papunta sa sidewalk at nag unat-unat ito. Naiwan naman si tall guy sa loob ng bus habang may kausap sa cell phone nito na parang may pinapagalitan.
"Welcome to Versalia University! Sigurado akong magugustuhan mo dito!" masayang sabi nito sa akin.
Nasa state of shock pa rin ako at hindi ko alam kung ano isasagot ko kaya tumango na lang ako at nilibot ang aking tingin.
Kung hindi ako nagkakamali, malapit kami sa tuktok ng Mt. Lorenzo, ang nag-iisang bundok dito sa Versalia. Ang lamig at magubat ang paligid. Ang nakikita ko lang ay ang aspaltadong daan sa unahan namin na pakaliwa at pakanan ang deretso ng mga kalsada.
"Eight ba sya Hazel?" biglang tanong ng isang lalaki na kasing tanda ko lang kay Hazel.
"I saw her holding an iPhone 5s earlier but it seems she is more comfortable on her Samsung Galaxy Y. Mumurahin ang mga damit pero halata sa tindigan na marunong mag-suot ng designer's clothes. Simple ang dating pero may ibubuga. I've seldom see her kind nowadays. Yung tipong may pera pero mas komportable sa mumurahing gamit. Hindi mahilig mag-ayos dahil walang pake sa sasabihin ng iba...hmm... class eight, am I right, Hazel?" tanong ng babaeng umikot sa akin na naka mini-shorts lang, sneaker at blouse.
Nakaka-suffocate ang aura nito na naghuhumiyaw na "ANG YAMAN YAMAN KO GRABE!" Nakakapanliit mangilatis ang mga mata nitong magaganda.
Tumango naman si Hazel at lumapit sa akin, "That's my guess too, Sherri. Polli dear, ano ang business ninyo?"
"Niyugan, maisan at tatlong gasolinahan lang" matipid kong sagot dito.
Medyo naiirita na ako sa lugar na ito. Parang puro pera, pera, pera ang usapan. Medyo nakakainis na, not to mention nakakairita...
"Oh I see... Eight will be your lucky numbers dear" taimtim na pahayag ni Hazel sa akin sabay kindat kay Sherri na matamis na ngumiti sa akin.
"Kanina ko pa nakikinig yung number eight na yan. Ano ba yung meaning nun?" tanong ko kay Sherri.
Bago ito sumagot ay tumingin muna ito sa paligid at may tinawag na apat na lalaki na kaagad namang lumapit dito.
"Mamaya pa daw ang dating ng ibang mga bus ninyo kaya I'll be nice just this once and I will explain everything for you, Apollinaire Rabina. Be sure to listen carefully dahil hindi ko uulitin ang mga sasabihin ko. Do you understand?"
Kinurot ako ng mahina ni Hazel, "Sumagot ka agad! Masamang magalit yan!"
"Oo" bigla ko na lang imik.
"Hmm... disrespectful, but I'll let it slide since you are just a cute transferee lost in this strange, but very extravagant world... I don't tolerate interruptions and I will entertain questions after my explanations. Is that clear?"
Tumango ako agad. Mukha naman maganda nga ang mood ni Sherri, siguro makikinig na lang din ako. Para kahit naman kaunti ay may matutuhan ako tungkol sa University na ito na never been heard.
"Ang semento na tinatapakan mo ngayon, ang gate sa likod mo, ang bus na sinakyan mo, ang pader na nakapaligid sa atin, ang malawak na gubat na ito at ang lahat nang makikita mo sa apat na sulok ng lugar na ito ay pag-aari ng Versalia University" tumalikod ito at lumakad papunta sa gilid ng gubat.
Mabilis naman akong hinatak ni Hazel para sumunod kay Sherri na naghihintay sa amin.
"About four kilometers from this very spot that I'm standing on, makikita mo ang University Campus itself. Hindi ko na i-dedescribe ang hitsura. Mas maganda kung ikaw mismo ang makakakita with your very own eyes."
Tinuro nito ang kalye papunta sa kanan, "Because you are number eight, ikaw ang unang ibaba sa direksyon na iyon kung saan ka titira habang nag-aaral ka dito."
Bubuka na sana ang bibig ko para mag-tanong pero bigla kong naalala na bawal pala akong magtanong hanggat di pa niya sinasabing tapos na syang mag-paliwanag.
Nakita ni Sherri na isinara ko ang bibig ko at ngumiti, "Good, you know when to keep your mouth shut Apollinaire. I think I'm starting to like you more and more. Anyways, onto the explanation. Ang university natin ay nahahati sa walong factions ayon sa estado mo sa buhay. Your background and your bankground, if you know what I mean."
"Ang bawat factions ay may sari-sariling villages kung saan nakatira ang mga estudyante. Magkakaiba syempre ang class ng mga bahay, depending on your faction. But it is best explained by the best teacher of all, experience."
Tumango naman ako agad habang tumayo sya ng matuwid at tinikwas ang buhok nitong maganda at mahaba, "I belong to the First Class Fenrir Faction. Elite of the elites so to speak in terms of wealth and social standing. Ang emblem ay black wolf at ang kulay ng flag namin ay red."
"Next is... Darwin, come here!" sigaw nito sa nakatayong lalaki sa di-kalayuan na isa sa mga tinawag nito kanina na agad namang lumapit, "This is Darwin Cruz. He is from the Second Class Zymeth Faction. Mga kilalang tao sa lipunan kadalasan ang nasa faction nila from political dynasties to children of famous and rich celebrities. Purple butterfly and blue flag ang symbol nila.
Automatic na umalis si Darwin at ang pumalit naman ay isang lalaking mukhang basketball player, "And this tall, smart-looking and cute guy here is Dale Baltazar from the Third Class Phidoch Faction. Sabihin na lang natin na sa black market sila nagbebenta ng goods nila.Gray flag and white swan is their symbol."
Tumango si Sherri sa dumating na lalake at tumingin sa direksyon ko.
"Clyde Tan Fourth Class Feng Faction. Chinese Businessmen and women. Gold cat, silver flag." Matipid na pakilala nito tapos ay umalis agad. Pero sinundan naman agad ng isa pa.
"Keith Osmena, Fifth Class Brigantys Faction. Mga anak ng mga big time na negosyanteng Pinoy ang nasa amin. Pink na maya at violet na flag" mabilis nitong sabi sabay tawag sa isang lalake na ngumiti ng matamis sa akin.
"Paul Steiner sis. Sixth Class Vasque Faction. Anank ng mga famed authors, intellects, scientists, inventors, programmers and specialists ang nasa faction namin. Yellow seahorse and orange flag" lumingon ito kay Sherri at tumango sabay alis.
Dumating agad and isang payatin na lalake at kumaway sa akin, "Patrick Nunez from Seventh Class Rayse Faction. Anak ng mga diplomats at foreign envoy kadalasan ang mga nasa faction namin. Meron ding mga anak ng foreign businessmen. Brown walrus at green flag."
Mabagal na pumalakpak si Sherri na parang nang-iinis, "Ang gaganda ng mga explanations. Nagmamadali? Well, anyways. There you have it Apollinaire. Any questions before we go to the next topic of our discussion?"
"Pito pa lang yung mga nakinig ko. Diba sabi mo walo yung factions?" takang tanong ko kay Sherri na nag-labas ng pamaypay.
Eksaheradang tumarak ang mata nito at sosyal na tinikwas muli ang buhok at mabilis na lumapit sa akin, "I really like you now Apollinaire. What a keen listener you are! Of course, hindi ko makakalimutan ang pang-walo because you my dear, will be in there. The new girl from Eight Class Almorica Faction. Home of regular rich kids with no clear social standings or fame whatsoever."
Maliban kay Hazel at Sherri ay nagtawanan ang mga nakapaligid sa amin. Mabilis namang lumingon si Sherri sa mga ito, "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Tumigil bigla ang mga natawa at mga namutla. Napangiti naman si Hazel at kumindat sa akin.
Bumaling muli sa akin si Sherri na parang walang nangyari, "As I was saying, you will be in Almorica Faction. The smallest group composed of roughly five percent of the total population of our university. In my honest opinion, mababait kadalasan ang mga Almoricans at napaka-galang. Hindi tulad ng ibang factions, including mine. Yun nga lang, wala silang distinguishing qualities that make them popular at school. Makikita mo na lang sila na laging nasa vicinity lang ng compound nila or if you see them around the school ay kadalasang naglalakad sila in small cute groups at napakadalang kong marinig na napa-away sila or napatawag ng prefects of discipline."
Tumango ako at hindi na umimik dahil mukhang naka-bwelo na ito at magpapatuloy na ulit sa aming maliit discussion.
"Now my dear Appolinaire, I will now explain to you the most important subject of our discussion. The High Council of Versalia University. Our school's motto is, "For the Students, By the Students, With the Students." In short, almost eighty percent ng mga batas, decisions, mga events at kung ano-ano pang non-academic activities and such is decided by the High Council composed of Representative Councilors from the factions. Mula sa mga maliliit na bagay tulad ng menu ng cafeteria, hanggang sa pagpapa-tayo ng ng mga bagong buildings at pagpapa-expel ng isang estudyanteng ayaw nila ay sila ang masusunod."
Huminga ng malalim si Sherri at hinimas ang lalamunan, "I'm thirsty..."
Parang may rebolusyon na nangyari at nag-kagulo ang lahat ng nakapaligid sa amin maliban kay Hazel na kampanteng nakatayo lang sa likod ni Sherri. Mukhang walang mahanap ang mga ito na tubig kaya di malaman kung saan susuot.
Naalala ko na meron pa akong tira dun sa tubigan ko kaya kinuha ko iyon at inabot kay Sherri na agad naman nitong ininom na ikinagulat ko dahil hindi man lang nito pinunasan ung rim.
"Ahhh... refreshing" malamyos nitong sambit sabay lagok ulit.
Hindi ko malaman kung bakit refreshing yun eh galing lang naman yun sa tubig ulan na dali-daling sinalok ni tatay sa drum dahil dalian na ako sa pag-alis.
Akmang kukunin ko na yung tubigan pero mabilis na naisilid agad ni Sherri sa dala nitong bag bago ko pa maabot.
"Where are we? Oh, yes. Listen very carefully Apollinaire, whatever you do, you musn't mess with the councilors, especially the High councilor. Kung ayaw mong ma-deport ng wala sa oras ay I urge you not to anger them. We will see this coming elections kung may ma-eelect na matino. Pero as I see it, mukhang malabong mangyari yun... Do you have something to eat there Apollinaire?"
Naalala ko yung presto na binuksan ko kanina sa barko at inabot ko agad yun kay Sherri.
Sinipat-sipat nya ito at inamoy-amoy. Pagkatapos ay kumuha ng isa at dahan-dahang kinagat, "Wow, this is good. Who could've known that this cheap biscuit tastes better than the imported ones I have at the palace? Saan mo ito binili Appolinaire?"
"Sa tindahan malapit sa bahay. Mukhang nasarapan ka ah."
Tumango-tango ito pagkatapos malunok ang isa pang tinapay, "Yes, what a wonderful taste, the saltiness, the sweet gentle feeling of the cheap biscuit filling melting in your mouth like a thousand dollar bread from Italy!"
Napatingin sa akin si Sherri at napatawa sa nataas kong kilay, "Oh sorry, na carried away lang ako. Well, I think that concludes my discussion. I'll see you around the campus next week. Oh, and before I forgot, you should subscribe to a plan. Walang pa-loadan dito, believe me..."
"Paano mo nalaman na hindi ako naka-plan?" takang tanong ko kay Sherri na akmang lalakad na paalis.
Napatigil naman ito at lumingon sa akin sabay ngiti ng matamis, "My dear Appolinaire, I know things about you that you don't even know yourself! Why? Because I'm a psychic!"
Bago pa ako makasagot sa misteryosong pahayag nito ay biglang may dumating na chopper na kulay itim na may nakatatak na malaking pulang lobo na tumigil sa ibabaw ni Sherri at nagbaba ng hagdan.
"Take care!" sigaw nito ng dinala na lang ito ng helicopter palayo sa kanila habang nakasabit pa ito sa hagdan at tinatangay ng malakas na hangin sa langit ang buhok nitong mahaba.
Hindi ko namalayan na tumabi na pala sa akin si Hazel, "Ganyan talaga si Sherri. Simple entrance, dramatic exit. Well, ganyan naman ang mga Representative Councilors, lalo na siya."
"Isa sya sa mga yun Hazel?" gulat kong tanong dito.
Tumango ito at ngumiti, "Yup. Chief of the High Council, Sherri Esmeralda"