"Madaming mga mahihirap ang ngayon ay nahingi ng dagdag na trabaho mula sa gobyerno. Nasisira ang mga pampublikong sasakyan ngunit wala pa ding ginagawa ang mga namumuno..." Napakunot ang noo ko ng makita kong nilipat ni Sally ang chanel ng t.v sa balita na kanina lang ay nasa MYX kung saan pinapanood ko ang paborito kong K-Pop Throwback Musics. Titig na titig ang aking kaibigan sa screen at nakakunot ang noo habang nagsasabi ng mga balita ang newscaster. "Hoy Sally, ibalik mo sa K-Pop! Malapit na yung sa 2NE1 throwback vids! Hindi ko na mahanap sa youtube yung ipapalabas na Fire nila Dara!" utos ko dito at umupo na ako sa tabi nya sa sofa ng tinutuluyan kong boarding house. "Wait ka nga teh! Importante mga binabalita eh!" Napatingin ako sa t.v at napangiwi ako sa mga armadong terrori

