Alyssa Another day, another life! Good morning sa lahat ng cute! Sa mga hindi cute, NAGISING PA KAYO! Hahahaah! Joke lang. Napatingin ako sa natutulog na si Hazel at sa bakanteng higaan ni Sherri. Isang regular na araw na naman ng aking boring na buhay. Hindi ko nga ba alam kung bakit pa ako nagtatagal dito sa kumbento. Tumayo ako at kinuha na ang aking telescope na may c***k na ang lens. Tumilapon kasi last time sa labas ng bintana gawi si Sherri... oh wait, Sister Sherri pala. Hmph! Sister Sherri, Sister Hazel at syempre ako. Ang babaeng hindi mapromote sa trabaho, Novitiate Alyssa. Hayst. Wag na isipin. Masamang pinaghihintay ang pagkain. Finocus ko ang telescope ko sa labas ng bintana at itinutok sa dormitory ng boys kung saan nandoon ang aking ulam. Si Mystogan. Gwapo, macho at

