Alam kong hindi magagawa ni papa na galawin o kamuhian man lang ang pamilya Vialejo, Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa kanila dahil isa sila sa mga tumulong kay papa upang makatungtong sa politika. Napahilamos siya sa mukha, masyado nang maraming iniisip. Bigla naman pumasok ang doctor para i-check ang temperatura ko. "Doc," tawag ko. "Wala po bang magiging komplikasyon sa anak ko dahil sa nangyari?" May tinuturok siyang kung ano sa hose ng IV fluid bag. "There will be no complications that will occur Ms. Ignacio, mabuti nalang at naidala ka kaagad dito. For well and professional guide, you must see regulargly your OB-gyn. Para narin mas matutukan ng maigi ang mga sanggol sa sinapupunan niyo," Kumunot nag noo ko. Even my parents looked confused. "What do you mean by that do

