"Sorry," Iyon ang una kong nasabi nang yayain ko si Vincent sa labas, sa kanilang bakuran. Naiwan sa loob ng kanilang bahay ang aming mga magulang. Hindi ko inaasahang ganito kadali nilang matatanggap at mukhang masaya pa ang mag asawang Vialejo sa ibinalita. I thought it was a big relief for my father. Mas lalong hindi ko inaasahan ang pag-sang ayon ng kanilang anak sa kasinungalingang kaming dalawa lang ang may alam. Handa na akong ilaglag niya ako kanina ngunit walang sabi-sabing sinabi niyang pakakasalan niya ako. Hindi pwede. Hindi iyon ang plano ko. Ang gusto ko sana'y kahit 'wag niyang panagutan, ako na sana ang bahala na palabasin na sinusustentuhan niya ang mga bata. I'll make fake receipt transactions if needed but I never expected this coming. "Pero Vincent, hindi mo naman

