Ivelle Ruiz's Point Of View Habang nasa labas si Azrael, ako naman ay naiwan sa kwarto. Humiga ako sa kama at itinaas ang mga kamay ko, pinagmasdan ang bawat linya at peklat sa palad ko. Kita roon ang mga kalyo—patunay ng mga taon ng pagsasanay at walang katapusang oras sa operating room. Pero hindi ko ito alintana. Ito ang pinili kong trabaho, at wala akong pagsisisi. Napabuntong-hininga ako, bahagyang napapangiti habang iniisip ang huling operasyong isinagawa ko. Ang adrenalinang nararamdaman ko sa bawat pagkakataong may buhay na nakasalalay sa mga kamay ko… parang matagal-tagal ko na rin iyong hindi nararanasan. "Namimiss mo na bang mag-opera?" Nagulat ako sa tinig na iyon. Agad akong napalingon at nakita si Azrael na nakatayo sa may pinto, nakasandal sa hamba habang nakatitig sa a

