Ivelle Ruiz's Point Of View Gabi na nang makauwi kami ni Azrael sa kwartong tinutuluyan namin. Talagang nag-enjoy kami sa falls na pinuntahan namin—napakatahimik ng lugar at napakapayapa, kaya hindi maiwasang sulitin ang bawat sandali, kahit isang araw lang kami doon. Ramdam ko pa rin ang lamig ng tubig sa balat ko, at ang hagikhikan naming dalawa habang nagtatampisaw sa malinaw na batis. Pagkarating sa kwarto, agad siyang nagpaalam na lalabas sandali upang bumili ng makakain. Napaupo ako sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang paligid habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang mga ngiti niya, ang paraan ng pagtingin niya sa akin—parang may kung anong bumabagabag sa puso ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa saya ng araw na ito o may mas malalim pa akong nararamd

