Ivelle Ruiz's Point Of View "Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko kalaunan habang nakatingin sa kanya. Ngunit sa halip na sumagot, ngumiti lang si Azrael, tila ba sinasadya niyang pagtakpan ang sagot. Napataas ang kilay ko at bahagyang nainis. "Huwag mong sabihing surprise ito?" Muli siyang tumingin sa akin, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. "Basta, magtiwala ka na lang sa akin. Magugustuhan mo 'to," sagot niya bago muling ibinalik ang atensyon sa daan. Napabuntong-hininga ako pero hindi ko na siya pinilit. Naiintindihan ko naman na gusto niyang gawing espesyal ang gabing ito para sa amin. Kaya kahit gusto kong malaman kung saan kami pupunta, pinili kong hayaan na lang siyang sorpresahin ako. Habang binabaybay namin ang kalsada, napansin kong palayo na kami sa mataong lugar. Ma

