Ivelle Ruiz's Point Of View Gaya ng sinabi ko, maaga akong pumasok sa ospital, dala ang isang masayang ngiti sa labi. Pagpasok ko sa opisina, agad kong nakita si Mara na abala sa paglilinis. "Mukhang maganda ang mood mo, Doc, ha?" biro niya sa akin. Ngumiti ako at umupo sa swivel chair, pero bago ko pa man mapahinga nang maayos, bigla akong napatayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa CR. Pagkarating doon, agad akong sumuka. "Doc, ayos lang po ba kayo? Ano pong nangyari sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Nurse Mara, sumunod pala siya sa akin. Hindi ako agad nakasagot dahil patuloy akong naduduwal kahit wala namang lumalabas. Nang matapos, agad akong nag-ayos ng sarili at lumabas ng CR, ramdam pa rin ang pagkahilo. Napatingin ako sa mesa ko at napansin ang isang pagkain na nakapatong d

