Ivelle Ruiz's Point Of View Matapos ang aking shift sa ospital, naisip kong sorpresahin si Azrael sa kanyang opisina. Humingi ako ng tulong kay Letheia upang matiyak na naroon siya. Pagdating ko sa lobby ng kanyang kumpanya, naramdaman ko agad ang mga tingin ng mga tao sa akin. Lumapit ako sa receptionist at nagtanong, "Nandito po ba si Azrael?" Ngumiti ang receptionist at sumagot, "May appointment po ba kayo, ma'am?" Umiling ako, "Wala po. Gusto ko sana siyang sorpresahin." "Sino po ang ipapaabot kong bisita?" tanong niya muli. "Si Dr. Ivelle," sagot ko. Tumawag siya sa intercom at maya-maya'y narinig ko ang pamilyar na boses ni Larry, ang sekretarya ni Azrael. "May bisita po si Sir Azrael, si Dr. Ivelle," sabi ng babae. Ilang sandali pa, tumango ang receptionist sa akin at itinur

