Ivelle Ruiz's Point Of View Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, dahilan para mapakunot-noo ako. Dahan-dahan kong dinampot ito mula sa tabi ng kama at tiningnan kung sino ang tumatawag—si Letheia. Napabuntong-hininga ako bago sinagot ang tawag. "Hoy, girl! Akala ko ba babalik ka na noong nakaraan? Naghintay pa ako, pero hindi ka naman kasama sa mga bumaba sa yate," reklamo niya sa kabilang linya, halatang inis. Napasapo ako sa noo ko nang maalala kong nangako nga pala akong uuwi, pero hindi natuloy dahil… pinigilan ako ni Azrael. "Pasensya ka na, Let. May nangyari eh," sagot ko, pilit na iniiwasang ipaliwanag agad. "Pag-uwi ko na lang ikukuwento." May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya bago siya muling nagsalita, mas mahinahon na ngayon. "Hmm. Sige, pero dapat ikuwento

