KABANATA 25

1287 Words

Ivelle Ruiz's Point Of View Tahimik akong nakaupo sa sala, nakatutok ang mga mata sa telebisyong nakabukas sa harapan ko. Ngunit kahit anong pilit kong intindihin ang palabas, hindi ko maiwasang mapalayo ang isip ko. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko—ano na bang meron sa amin ni Azrael? May kahulugan ba ang mga titig niyang matagal bago bumitiw?Napalingon ako sa pinto nang marinig ko itong bumukas. Pumasok si Azrael, may hawak na isang kahon ng pizza, at tila walang alintana sa kung anong iniisip ko kanina. Diretso siyang lumapit sa akin at walang sabi-sabing umupo sa tabi ko. Sandali siyang tumitig sa akin, para bang may gustong basahin sa mga mata ko, bago niya inilabas ang isang maliit na ngiti—isang ngiting may kasamang kung anong hindi ko matukoy. Para bang may gustong sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD