Mikaella's P.O.V. Nakahiga lang ako ngayon sa kama dito sa school clinic habang hinihintay si kuya Mike na sunduin ako. Nakatingin lang ako sa puting kisame at nanatiling tahimik. Nakaupo sa tabi ko si Kael at binabantayan ako nito. Wala si Nurse Lia ngayon dito dahil dinala nila si Nathan sa Hospital kasama ang mga magulang nito. Pinatawagan din si Kuya Mike na sunduin ako dahil walang magbabantay sa akin dito sa school clinic. "Hindi kana sana muna pumasok kung masama ang pakiramdam mo," sabi ni Kael sa akin. Napatingin ako sa kan'ya sa gilid at nakita kong may hawak itong libro. Nagbabasa s'ya. Oras ng klase na din kasi ngayon. "You can leave me now. Papunta naman na si kuya. You can't missed the class," mahina kong sabi sa kan'ya. S'ya ang top 1 sa klase namin. Alam kong hin

