Mikaella's P.O.V. Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga huni ng ibon. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Ginala ko ang paningin ko at nakita ang mga puting kurtina na nakapaikot sa kama na hinihigaan ko ngayon. Napakunot ang noo ko at nang umupo ako ay naramdaman ko ang hilo at kirot sa aking ulo. Napahawak ako dito at naramdamang mainit ang temperatura ko. Napangiwi ako at napasandal sa pader tapos ay pinikit ang mga mata. Paano nga ulit ako napunta dito sa school clinic? Ang alam ko ay hindi naman ako nagpunta dito ng kusa. Hindi rin naman ako humingi ng gamot sa kanila at walang may alam na may lagnat ako ngayon. Napakunot pa lalo ang noo ko nang maalala na mag-isa lang ako sa classroom at lunch break iyon. Natutulog lang

