Mike Anderson's P.O.V. "Mike!" rinig kong tawag sa akin ni Shiela. "Bakit?" Tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa computer ko at kinakausap ang isa sa customer namin. "May small celebration daw na magaganap mamayang 6 P.M. at lahat tayo ay imbetado," sabi nito at umupo sa tabi ko dahil magkatabi lang ang computer naming dalawa. Napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin s'ya sa akin at ngumiti na para bang pinipilit ako nito sumama. Hindi kasi ako nakasama sa small celebration para sa tulad kong baguhan sa trabaho. Iniisip ko kasi si Mika. Mag-isa lang s'ya sa bahay. Wala rin naman dito si Kross para bantayan s'ya. Alam kong hindi pa nakaka-recover nang tuluyan si Mika nung mangyari ang gabing iyon. Madalas ko s'yang naririnig na sumisigaw sa gabi o di kaya ay sa madaling araw. Di

