Mike Anderson's P.O.V. "Mike Anderson, dahil hindi ka nakapunta sa small celebration natin noon, ikaw ang mauunang uminom ngayon," sabi ni Ms. Danica sa akin. Naghiyawan naman ang mga kasamahan namin kasama na si Shiela na katabi ko. Nandito na kami ngayon sa isang bar at nagpa-V.I.P. room kami. Si Ms. Danica ang magbabayad ng lahat ng kakain at iinumin namin pati na rin ang V.I.P room. Napatingin ako sa shot glass nang ilagay ito ni Shiela sa harap ko na lamesa. Kumuha ng bote si Ms. Danica at nilagyan ang shot glass ko. Napatingin naman ako sa kanila at nakitang nakatingin sila lahat sa akin ngayon. "Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!" Rinig kong sabi nila sa akin habang chini-cheer ako. Napailing na lang ako at kinuha ang shot glass. Malamig ito at maliit. Pagkatapat ko nito sa bibi

