Mikaella's P.O.V. Nagising ako nang marinig kong may kumakatok sa pintuan. Agad kong kinusot ang mata ko at umupo. Naramdaman ko ang sakit mg balikat at batok ko. Pagtingin ko sa paligid ay nasa sala pala ako. Nakatulog ako sa couch. Tinignan ko ang wall clock at nakitang 7 P.M. na pala. Napalingon ako sa pintuan nang marinig na may kumatok ulit dito. Mabilis akong tumayo at pinatay ang T.V. na kanina pa naka-open dahil nakatulugan ko ito. Dumiretso ako sa pintuan at hinawakan ng door knob nito. Si kuya Mike na kaya 'to? Hindi ba sabi n'ya kanina ay gagabihin s'ya umuwi dahil kailangan n'ya bumawi sa trabaho? Pagkabukas ko ng pinto ay agad na napakunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng pulang damit. Napatingin ako sa hawak n'yang paper bag at mukhang delivery

