Mikaella's P.O.V. Lumabas ako papunta sa pool at narinig ko ang malakas na tunog dito. Ang iba sa kanila ay mga nakasuot na ng swimsuit habang ang iba ay nakatayo lang sa tabi ng table at nag-uusap-usap habang may hawak na mga liquors. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga puno na napapalibutan ng mga ilaw. Pati ang mga halaman ay may ilaw. Nasa parang stage din ang DJ dito na nagbibigay ng tugtog dito. Naglakad ako at sinubukang hanapin si Nathan. Hindi s'ya pwedeng mawala sa tingin ko. Nasaan na s'ya? "Whoohu!" Agad akong naalerto nang marinig ko ang sigaw ng iilang lalaking tumalon sa pool. Napaatras ako nang ilang hakbang nang maramdamang tumalsik ng kaonti ang tubig sa akin. "Mika!" Tawag sa akin ni Kael. Napatingin ako rito at nakita kong wala na itong suit na i

