Mikaella's P.O.V. Inayos ko ang suot kong sleeveless na dress. Kulay champagne ito at hanggang gitna ng hita ko ang haba. Medy kumikininang din ito ng kaonti tuwing gumagalaw ako. Umupo ako at tumapat sa salamin ko. Ginawa kong wavy ng kaonti ang itim kong buhok. Sinuot ko ang puting bilog na hikaw na niregalo sa akin ni Kross. Naglagay na rin ako ng kaonting make up at tinignan ang sarili ko sa salamin. Napabuntong hininga ako at tinignan ang oras. Kalahating oras na lang at magsisimula na ang 18th birthday party ni Vivian. 7 P.M. ang simula ng party at hanggang 10 P.M. ito. Gusto kong mahiga na lang sa kama. Gusto kong manood, magbasa o di kaya ay matulog. Pero kailangan kong pumunta sa party na ito dahil may kailangan akong gawin. Napalingon ako sa pintuan ko nang marinig na m

