Mikaella's P.O.V. Nandito ako ngayon sa bahay, sa kwarto ko. Nakadapa ako sa kama at pinagmamasdan ang phone ko at ang katabi nitong bagong bili ko na sim card kanina kasama si Chaz. Tinignan ko ang oras at nakita kong 5 P.M. na. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Tumayo ako at kinuha ang papel na naglalaman ng mga information ni Nathan. Nilapag ko ito sa taas ng phone at simcard na binili ko. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa kung dapat ko bang tawagan si Nathan. Hindi parin buo ang desisyon ko at hindi ako mapakali dahil kailangan ko ng mga sagot. Lalo na't dahil sa nangyari sa akin nung gabi ng sabado. Hindi ko makakalimutan iyon at hanggang ngayon ay fresh na fresh parin ito sa isipan ko. Tuwing naaalala ko ito ay bumabalik ang takot at kaba na naramdaman ko non, tu

