Mikaella's P.O.V. Monday na at nandito ako ngayon sa classroom. Mag-isa lang ako dito dahil 30 minutes pa bago magsimula ang klase. Napaaga ang pasok ko dahil hinatid ako ni kuya dito at maaga ang pasok n'ya sa trabaho. Napatingin ako sa bintana at nakita ko ang mga estudyanteng naglalakad sa labas. Halos nagtatawanan ang iba sa kanila habang ang iba naman ay mga inaantok pa ang mukha. Nakita ko rin si Chaz na pumasok at nang mapatingin s'ya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. "It's good to see that you're okay now." Napatingin ako sa pinto nang may magsalita doon. Napakunot ang noo ko nang makita ang anak ng principal na nandidito. Si Jaxe Dean. Naglakad ito papunta sa harap ko. Kinuha n'ya ang upuan dito at hinarap sa akin tapos ay umupo. Pinatong nito ang dalawang siko n'

