Naging seryoso ang ekspresyon ng aking mukha ng mula sa malayo ay natanaw ko na paparating ang aking madrasta. Marahil ay aatend ito sa meeting ng kanyang anak na si Marice, dahil may magaganap na general meeting para sa mga graduating student ngayong taon. Magtatapos na kasi ngayong taon sa kursong business management si Marice. Ito na ang ikalawang beses na gagraduate siya dahil nagtapos si Marice ng two years course of Bachelor of Computer Science. Mas matanda ang step-sister ko sa akin ng tatlong taon kaya mauuna siyang makatapos kaysa sa akin. Natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng humarang sa mismong daraanan ko si Tita Sandra. Wala akong magawa kundi ang mag-angat ng mukha at titigan ito sa mukha. “Ilang linggo din tayong hindi nagkita, I’m sure, nag-eenjoy ka ngayon sa pagiging

