Kunot noo na napatingin si Wesley sa nakaawang na dahon ng pintuan. Dahan-dahan niyang naibaba ang cellphone mula sa kanyang tenga habang itinutulak ng isang kamay nito ang pintuan pabukas. Ngunit, napatda siya ng tumambad sa kanyang paningin ang madilim na mukha ni Asher. Matingkad ang kulay ng mga mata nito tanda na galit ang kanyang nobyo. Biglang kinabahan si Wesley at iniisip niya na mukhang narinig ng kanyang nobyo ang pakikipag-usap niya sa kanyang anak. “Sweetheart, kanina ka pa ba d’yan?” Nakangiting tanong ni Wesley, nag-aalala siya na baka masira ang magandang plano niya para sa espesyal na araw na ito. Dahil doble selebrasyon ang gagawin nilang mag-anak. Nagulat si Wesley ng biglang haklitin ni Asher ang kanyang braso bago walang salita na kinaladkad siya nito palayo sa kanya

