“Alas tres ng madaling araw ng humimpil ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng hotel na pansamantalang tinutuluyan ng naming mag-ina. Malungkot na bumaba ako ng taxi. Sa bawat galaw ng aking katawan ay napapangiwi ang mukha ko dahil iniinda ko ang masakit kong katawan. Lalo na ang kaliwa kong braso na pinilipit kanina ng magaling na lalaking iyon. Habang naglalakad ako papasok sa entrance ng lobby ay biglang nagring ang cellphone ko kaya saglit akong huminto sa paghakbang upang sagutin ang tawag. “Yaya?” Ani ko sa matamlay na tinig dahil si Yaya Esme ang tumawag sa akin. “My God, Wesley! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Labis mo akong pinag-aalala.” Naiiyak na sabi ni Yaya Esme, “ang mga bata, kumusta sila?” Nag-aalala kong tanong habang nagpatuloy sa paghakbang. “Masama ang loob

