“Nagdesisyon ang team na magdagdag pa ng mga ilang billboard sa mga commercial area para mas lalong mapansin ng publiko ang mga bagong produkto ng kumpanya. And Aside from that ay gumawa rin ng bagong platform ang marketing team na magla- launch at magpapakilala sa lahat ng mga produkto ng Blaise Corp. Dahil high tech na ngayon ang teknolohiya ay kailangan na ring magkaroon ng malaking pagbabago sa sistema ng kumpanya.” Pagkatapos na i-paliwanag ni Marice ang report niya sa unahan ay namayani ang katahimikan sa loob ng conference room. Ang ilan sa mga bagong board member ay tila pinag-iisipan ang naging report ng aking step-sister. Habang ang ilan sa mga datihan ay tila sumasang-ayon sa naisip na plano ng marketing department. Kung ako ang tatanungin ay bagsak ang naisip nilang mga ideya

