Nahinto sa kanilang ginagawa ang mga katulong ng humimpil sa harap ng Villa ng mga Tucker ang isang mamahaling puting kotse at sa likuran nito ay isang itim na SUV. Ang lahat ng kasambahay ay napalingon dito at naghihintay kung kailan bababâ ang sakay nito. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng kotse at tumapak sa semento ang isang pares ng kulay kremang sapatos. Sumalubong sa lahat ang matapang na mukha ni Wesley, at napako ang tingin nito sa sa mukha ng mga katulong na kumaladkad sa kanya ilang taon na ang lumipas. Kasunod na bumaba mula sa kabilang bahagi ng sasakyan ay ang kasama nitong abogado. Nagsibabaan na rin mula sa kabilang sasakyan ang may nasa pitong katulong. Blangko ang ekspresyon na nilingon ni Wesley ang mga katulong at sumenyas sa pamamagitan ng ulo nito. Mabilis n

