“W-Why? Why, Daddy?” Ito ang tanong na tuluyang nagpaiyak sa akin. Nang marinig ko ang basag na boses ng aking anak habang tinatanong ito ay parang sinasakal ang puso ko. Tila naubusan ng lakas ang aking mga tuhod dahil pagkatapos ng ilang hakbang ay kusa itong lumuhod sa harap ng aking mga anak. Bumuka-sara ang aking bibig ngunit ni isang salita ay walang namutawi dito. Nanatili lang akong nakatitig sa inosente nilang mga mata. “Why did you hurt our Mommy? She is a supermom for us... But w-why do you always hurt her? I hate you daddy..” pagdating sa huling salita ay pumiyǒk ang boses ng aking anak, kasunod nito ang pagtulo ng kanyang mga luha at kita ko ang matinding sakit mula sa mala anghel nitong mukha. Nang mga oras na ito ay naninikip ang dibdib ko na tila nahihirapan na akong humin

