Kabanata 1: The ex- bride is back
"M- ma," nauutal na sambit ni Nihan matapos lumabas ang inang si Janice sa kanilang bahay.
Tumigas agad ang anyo nito nang magtagpo ang mga mata nila. Nasulyapan din ng dalaga ang pagbilog ng magkabilang kamay nito.
"Ma," ulit niya habang natulo ang mga luha.
Nagmamadali lumapit si Janice sa bunsong anak, at ginawaran ito ng isang nakabibinging sampal. Tumabingi ang maliit, at magandang mukha ng dalaga.
"How dare you!" sigaw nito sa kaniya.
Nanginginig ang mga daliri ni Nihan nang hawakan ang pisnging pakiramdam niya ay namamanhid sa lakas ng sampal ng ina.
"I can't believe it!"
"You still have the gut to show your face here!" galit na hiyaw nito.
Sinubukan niyang lumunok para bigyang daan ang kaniyang lalamunang bumibigat dahil sa emosyon. Marahan, at may alinlangan niyang pinaling ang mukha para makita ito.
"M- ma, I'm really, really sorry."
"Eat your sorry!" nanlalaking mga matang singhal nito sa kaniya, at itinulak pa siya sa balikat dahilan para mapaatras siya sa kinatatayuan, kung hindi matatag ang kaniyang mga binti ay marahil tumumba na siya.
"Janice! What's going on-"
Hindi na naituloy ng kaniyang amang si Nelson ang iba pang sasabihin matapos sumungaw ang ulo sa main door, at nasilayan siya.
"D- dad," halos pabulong na lang ang pagtawag ni Nihan sa ama.
"Anong-" tila hindi ito makapaniwalang nakita siya, at tuluyang inilabas ang buong katawan sa pinto.
Nakatunghay lang si Nelson sa anak na babae. Galit, pagkagulat ang nakarehistro sa mukha nito.
"Dad, Ma, please."
"What the heck are you doing here?" bulalas nito, at nagsimulang magtungo palapit sa kanila.
Sa bawat yabag ng sapatos ng ama ay pigil ang hininga ni Nihan. Hindi niya kayang harapin ito pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. Takot na siya sa ama noon pa man pero tila dumoble ang kabang mayroon siya sa puso ngayon.
"Nihan," malalim, at nakatatakot nitong tono.
"Da- dad, I'm sorry," sumabog ang mga luha ng dalaga sa mukha, hanggang sa tuluyang huminto ito sa harap niya.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Nelson habang punong-puno ng pagkasuklam habang nakatitig sa kaniya.
"Ma! Dad!" Napakapit nang mahigpit si Jigs sa pinto nang madatnan ang senario.
Magkakaharap ang magulang, at ang kaniyang bunsong kapatid. Humahangos na lumapit ang binata, agad na hinawakan sa braso ang dalaga, at bahagyang inilayo sa ama.
"Ku- kuya," nakahinga ng bahagya si Nihan nang lumapit ang nakatatanda niyang kapatid.
"Oh, guys, calm down. Please?" kalmado nitong saad, at saglit na binato siya ng tingin.
"Take your li'l dumb sis away from here," nagtitimping utos ni Nelson habang halos patayin sa pagkatitig ang anak na babae.
"Dad, please. Ma," umiiyak na pakiusap ni Nihan, at lumapit sa mga ito pero agad siyang itinulak ng ama.
"Dad!" bulyaw ni Jigs kay Nelson, at mabilis na dinaluhong ang kapatid na bumagsak.
"Anong klase kang anak!"
"Paano mo nagawa iyon sa amin!" maluha- luha na dahil sa galit ang kaniyang ama habang nakataas ang daliri paturo sa kaniya.
Gusto pa siya nitong lapitan nang pigilan, at hawakan lang ng kaniyang ina sa braso habang umiiyak na rin.
"Enough, Nelson!" pigil nito.
"How dare you, Nihan!" patuloy na pasigaw nito.
"Come, stand up," bulong ni Jigs kay Nihan, hinawakan siya sa siko at inalalayan para tumayo.
Pinunasan niya ang mga luha na dahilan para mahilam ang kaniyang mga mata. Hirap na hirap siyang lumunok habang pinagmamasdan ang mga magulang na bakas ang hindi matatawarang paninibugho sa mga mukha.
"Ma and Dad, you can do all you want."
"You can both hurt me the way you wanted!"
"Do it, hurt me!"
"Saktan ninyo ako, para kahit papaano mabawasan man lang ang galit na nararamdaman ninyo ngayon."
"I deserve it," mahina, at lumuluhang dagdag ni Nihan kasabay nang pagtungo ng ulo.
Nananalo ang katahimikan sa kanilang pamilya. Muli niyang itinaas ang mukha, at ilang beses suminghot. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib na ilang oras na lang ay sasabog na dahil sa bigat na nararamdaman.
"I deserve it. Give it all to me, Ma and Dad," seryosong niyang bigkas habang pinagsasalit-salitan ng malungkot na tingin ang mga magulang.
"This is enough," Nakayukong aniya naman ni Jigs habang lihim na tumulo ang mga luha.
"But please, after this, can I just hug you both?"
"Please?"
"I need you guys now," Ngumiti si Nihan nang mapait habang inaapak ang mga paa pabalik sa harapan ng mga magulang.
Iwinaksi ni Nelson ang mga kamay ng asawa, at umalis. Napakurap naman ang dalaga habang nakapako pa rin ang mga mata sa amang palayo. Napatingin siya sa ina, at mas lalo lamang sumagana ang kaniyang mga luha.
"Nihan," humahagulgol na tawag sa kaniya ni Janice habang nakataas ang dalawang kamay.
"Ma!" parang bata siyang tumakbo, palapit at yumakap dito.
"I'm sorry."
"I miss you so much, anak," sagot nito sa tapat ng kaniyang tenga.
"I miss you too, ma. I'm sorry."
Mabigat na paghinga ang pinakawalan ni Jigs habang tinitigan ang kapatid, at inang magkayakap.
"You okay?" tanong ng kaniyang kuya, at hinaplos pa si Nihan sa likod.
Ngumiti siya rito, at tinapik ang kamay. Isang taon na rin ang nakalipas, masaya siyang kaharap ang isa sa mga lalakeng hindi siya iniwan at pilit na iniintindi, kahit na madalas ay hindi niya maintindihan ang sarili.
"I'm okay, thank you."
"I will talk to your Dad, don't worry."
Ibinato ni Nihan ang mga mata sa ina, kasalukuyan silang magkakaharap sa gazebo. Inilagay nito sa tapat niya ang isang baso ng tubig.
"Don't force him, Ma."
"I totally understand him."
"It's hard to just forget what happened."
Tumango sina Janice at Jigs habang pinagmamasdan ang dalaga. Saglit na sumimsim ng tubig si Nihan para makakuha ng bwelo para magtanong. Matapos ibaba ang baso ay tuwid niyang sinalubong ang tingin ng ina.
"Do you know where's Finn?"
Nagkatinginan naman ng makahulugan ang ginang, at ang anak nitong binata. Napansin naman niya iyon, at nakadama siya ng kakaiba dahil doon.
"Is he okay?" natatakot niyang usisa.