Kabanata 23

1283 Words

Tumingala si Finley sa dalaga nang pumasok ito mula sa backdoor. Dala-dala na ni Nihan ang tray na may tuyo ng damit. "Hi," kaswal na bati sa kaniya nito habang bakas ang pagod sa hitsura. Nahihirapan itong maglakad patungo sa kaniyang kwarto. Nang lumagpas ay doon lamang niya hinabol ng tingin ito. Nang marinig ni Finley ang pagbalik ni Nihan ay nagmamadaling umayos siya sa pagkakaupo sa sofa. Kunyaring hinimas-himas si Meadow na nasa kandungan niya. "Fin, what do you want for dinner?" tanong ng dalaga nang huminto sa harapan ng binata. "Magluluto ka?" "Yeah, kahit anong gusto mo," sagot ni Nihan habang binabalewala ang pagod na nararamdaman. Nagdugtong ang mga kilay ni Finley. Alam niyang maghapong naglaba ang dalaga, at ngayon lamang natapos. Kaya bakit pa siya nito ipagluluto?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD